Entry #15: "Friendship Doesn't Last Forever And That's Okay"

4 1 0
                                    

🥀ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST🥀

"FRIENDSHIP DOESN’T LAST FOREVER AND THAT’S OKAY"
Written by : nsisa_

‘Hoy, Nica? Ayos ka lang? Tahimik mo ata ah?’ nakuha naman ni Jonalyn ang atensyon ni Nica na tulala sa kawalan.

‘O-oo naman. Medyo napagod lang ako kanina sa p.e.’ sagot ng dalaga ngunit maiigi naman siya tinitigan ng kanyang matalik na kaibigan kaya bigla siyang napaiwas ng tingin.

‘Eeh? Baka naman dahil kay Shai Mae? Alam mo naman yon, napakasama ng ugali!’ naiiritang saad ni Jonalyn kaya napailing naman si Nica.

‘Oy si Khim oh! Khimmmmmmmm!’ tawag ni Khim ngunit tigas leeg lang ito at dire-diretsong pumasok sakanilang classroom.

‘Kita mo’to! Suplada! Teka? Nagbagong taon lang parang pati sila nagbago? Ano bang nangyari? Nica?’ naguguluhang tanong ni Jonalyn kay Nica.

Napabuntong hininga nalang siya nang maalala ang nangyari sakanila last year. Kasabay pala ng bagong taon ay may malaking din palang magbabago sakanilang pagsasama bilang mga magkakaibigan. At hindi niya din inaasahang ang na ang mga kaibigan niya ang mananatiling totoong tao sakanya.

                               ———

‘Ano bang sinasabi mo?!’ galit na giit ni Sharmaine kay Kim.

‘It doesn’t make sense, Khim! Can you stop playing safe!’ gigil na saad ni Grace kay Khim.

Bumaling naman ang tingin niya kay Grace na halatang iritado na ito sakanya. Napa-iling nalang si Khim dahil sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan.

‘No, Grace! It makes sense! Akala niyo ba okay yung mga pinag-gagawa nating pambubully sa mga nerds?!’ sagot ni Khim dahilan para matigilan sila Grace at Sharmaine.

‘At ikaw Maegan! Akala mo ba maganda yung panunulak na ginawa mo kay Keith sa hagdan? Nasa coma state siya ngayon, Mae! Coma!’ saad ni Khim kay Maegan. Napaiwas naman ng tingin si Maegan dahil sa guilt na nararamdaman.

‘And ikaw Nica, kami ang nagplano na ipahiya ka kay Nathan. Kami din yung kumuha ng bag at damit mo sa shower room para hindi ka makalabas.’ tugon naman ni Khim kay Nica kaya napa-awang ang kanyang labi.

‘A-ano? T-totoo?’ nanghihinang tanong niya sa mga itinuring niyang kaibigan.

‘Oo. And about Jonalyn? Ayaw namin sakanya. Bakit naman namin pasasalihin ang isang cheap na katulad niya diba? Napilitan lang kami na isama-sama siya para naman hindi na kami tawaging mean girls sa campus.’ saad ni Khim kay Nica.

‘But I realized na hindi na pala tama ang pinag-gagawa ng mga taong to. Namin.’ saad ni Khim habang isa-isang tinitignan ang mga kaibigan niya.

‘Hindi ko akalaing lalaki pala ang mga ulo ninyo pagkatapos ko kayo papasukin sa sorority na ginagawa ko. Diba Mae? Grace? Shar? Laking tuwa ko dahil sa hindi tumulad satin si Nica.’ mapait na saad ng dalaga.

‘Ano bang gusto mong iparating, Khim?’ tanong ni Maegan kay Khim kaya napangisi ang dalaga sakanya.

‘Naalala niyo si Maylane? We killed her right?’ nakanising sagot sakanyang kaibigan.

‘We didn’t killed her. She killed herself, Khim!’ sigaw ni Grace sakanya. Natawa naman ng mala-demonyo si Khim dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.

‘Yes. We did killed her. Pinatay natin siya. Tayo ang dahilan kung bakit siya namatay. Baka nakakalimutan niyo, tayo ang punot dulo ng lahat why she ended her life.’ tugon ni Khim kay Grace.

‘Tayo? Baka nakakalimutan mo Khim? Sa ating lahat, ikaw ang may pinakamabigat na sala sa atin.’ matigas na saad ni Grace kay Khim. Gumihit naman ang pagsisisi sa mukha ni Khim dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Grace.

Hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Nica dahil sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan. Alam niya bago lang siya sa grupo ngunit hindi niga ito inaasahan. Naalala niya bigla ang kaklase nila noon na si Maylane na nabalitaang nagbigti sa loob ng kanyang kwarto.

‘Tama na! Ayoko na! Nagsisisi na ako! Oo na! Pinatay natin siya! Pinatay natin ang kaibigan natin!’ histerikal na saad ni Sharmaine habang umiiyak. Napaupo nalang ito sa swing habang umiiyak.

‘Tama si Shar...tayo ang pumatay kay Maylane...’ nanghihinang sabi naman ni Mae.

‘T-teka...k-kayo ba yung naglabas ng s-scandal nila May at Kyle?’ nanghihinang tanong ni Nica sakanyang mga kaibigan. Wala ni isa ang sumagot sakanya at nasa baba lang ang mga tingin ng mga ito na halata ang pagsisisi ng mga ito.

‘At kami din ang nagvideo non.’ napalingon naman si Nica nang marinig ang boses ng isa pa nilang kaibigan na si Kitty.

‘Matagal nang may gusto si Khim kay Kyle. Matagal niya na din kinaiinggitan si Maylane dahil naging boyfriend niya si Kyle.’ paliwanag ni Kitty kay Nica na nanunubig na ang mga mata.

‘Pero akala ng buong campus ay tapat si Kyle kay Maylane. Nalaman namin na may secret affair pala sila ni Khim. Hindi naman kami nakielam kung ano mang balak nila Khim at Kyle kay Maylane. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng sekreto ay mananatiling sekreto. Nalaman ni Maylane na niloloko pala siya ni Kyle and worst? Ang pinakamatalik niya pang kaibigan na si Khim ang mang-gagago sakanya. Pagtapos malaman ni Maylane na niloloko lang pala siya ni Kyle ay kasabay din non ang pagkalat ng scandal nilang dalawa. Nagkagulo ang buong campus dahil sa eskandalong kumalat sa loob sa campus. Araw-araw na binubully at pinapahiya ng mga tao si Maylane pero wala kaming ginawa para ipagtanggol siya. At isang araw nalaman nalang namin na patay na si Maylane. Naabutan siya ng kapatid niyang wala ng buhay na nakabigti sa loob ng kwarto niya.’ pagtutulot ni Kitty.

‘This sorority...this friendship...is a trash.’ dugtong ni Kitty.

‘Kung totoong kaibigan talaga kayo ni Maylane, hindi niyo dapat ginawa yon. Maaring may iba’t-iba kayong katangian. Pero hindi dapat yon ang  dahilan para hatakin niyo sa bawat isa pababa para lang makapunta sa taas. Nakita ko sainyo ang bawat pagkakaiba ninyong lahat kaya naisipan kong sumama sa grupo ninyo. Hindi lang naman yon ang nakita ko e. Nakita ko na parang pamilya na kayo. Pero mukhang nagkamali ako. Totoo nga ang sabi ng iba na walang perpekto sa mundong ito. Kaya sana, maging silbing aral ito sa bawat isa. Kung gusto niyo talaga na tumagal ang pagkakaibigan ninyo ay kailangan ninyong maging tapat sa bawat isa. Hindi sa loob ng circle of friends ay may circle of friends pa. Ngayon, alam ninyong napatawad na kayo ni Maylane. Dahil alam niya na pinagsisihan na ninyo ang kasalanang nagawa niyo sakanga. Sana magbigay sainyo ito ng malaking repleksyon sa inyong buhay.’ saad ni Nica habang nakatingin sakanyang mga kiiaibigan at saka niya tinalukuran ang mga ito.

#Alvarez
#WRA_OneShot
#WRA32ndMonthsary

One-Shot Story Making Contest (32nd Monthsary) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon