Chapter Three
Shem Keziah Point of View
"Sige na Kuya. Saka marunong naman ako magcommute eh" sabi ko kay Kuya. Pinipilit ko kasi na payagan na ako magpunta mag-isa sa school. Hindi nanaman ako kailangan pa ihatid ni Kuya Ron eh. Alam ko na ang sinasakyan. Hindi pa rin naman ako marunong magdrive ng sasakyan kaya hindi ko magagamit yung binigay sakin ni daddy na kotse. Napakadami ko pang pinaramis kay Kuya bago niya ako payagan. Basta daw umulan ay tumawag daw agad ako sa kanya o kaya kay Kuya Ron.
"Salamat Kuya. Labyu"
Lumabas na ako ng bahay namin at nagsimula na akong maglakad palabas ng village namin. Katulad nung tinuro sakin ni Yaya ay sumakay ako ng tricycle at bumaba ako sa sakayan ng baby bus. Nag-antay ako ng baby bus. Puro puno. Kaya hinabaan ko pa ang pasensya ko hanggang sa marami na akong nakitang paparating na baby bus. Nag-uunahan pa nga yung mga nasa unahan ko. Hindi tuloy ako nakasakay agad at naiwanan ako ng baby bus. Mukhang kakailanganin ko tulong ni Kuya Ron.
Shem! Shem!
Napatigil ako sa pagpindot sa cellphone ko nung marinig ang malakas na pagtawag na iyon. Si Kemuel. Mabilis siyang bumaba at hinila ang kamay ko papunta sa dulong parte ng baby bus.
Bakit nagkocommute ka?
Nasan si Kuya Ron?
Bakit hindi ka niya hinatid?
Sunod sunod niyang tanong sakin. Pakiramdam ko tuloy bawal ako sumakay sa mga ganitong sasakyan. Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit mag-isa lang ako ngayon. Puro nga siya tanong kung marunong ba ako sumakay sa sasakyan na ganito eh. Ano ba tingin sakin netong lalakeng to? Mukha ba akong inosente?
Bilisan mo Shem. May quiz tayo sa accounting. Maaga dadating dito sa room si Mam. Hindi kita nachat kanina. Naghahang cp ko.
Mabilis kong kinuha ang notebook ko sa bag ko. May quiz pala kami. Paktay ako neto. Hindi man lang ako nakapagreview kagabi. Nabanggit ko sa katabi kong si Kemuel na may biglaang quiz kami kaya hinayaan niya na muna ako magreview. Hindi niya ako iniistorbo. Naramdaman ko lang na tinapik niya ako nung nasa harapan na kami ng school namin. Pinauna niya ako.
"Bayad po. Dalawa"
Talagang tinabig pa niya yung kamay ko para mas kunin ni manong driver yung bayad niya. Sabay na kami naglakad papasok sa loob ng school.
"Kumain ka na ba? Gusto mo daan muna tayo sa cafeteria?"
"Baka mamaya na. May biglaang quiz daw kami sabi sakin ni Maica eh. Medyo late na nga ako eh"
Nagdiretso na kami sa paglalakad paakyat sa building namin. Hinatid ako ni Kemuel hanggang sa tapat ng pintuan ng room namin. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at dumiretso na ako sa upuan ko. Tahimik ang mga kaklase ko. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa hawak hawak nilang papel. Inabutan ako ng prof namin ng test questionnaire at nagsimula na rin akong magsagot.
Grabe! 20 items ang quiz namin at sobrang hihirap. Hindi nga ako sigurado sa mga isinusulat kong sagot ngayon eh. Nasaket ang ulo ko talaga kapag numbers ang pinag-uusapan. May background naman ako sa accounting dahil may accounting subject kami nung high school. Hindi ko talaga nakakalimutan ang Debit and Credit. Lalo na iyong Balancing. Nakakaiyak talaga. Sobra.
Okay. Times up.
Pinaliwanag samin ng prof namin kung paano ang pagpapalitan ng papel para sa pagchecheck. Counter clockwise lang pala. Isa isang sinulat ng prof namin ang tamang sagot sa whiteboard na nasa unahan namin. May 10 points na itong hawak kong papel. Pasado na agad siya. Sana lang umabot sa ganito ang tama ko. Matapos namin magcheck ay isa isang tinawag ng prof namin ang surname namin.
Amaro, Maica
6 po!
"Huwag mo naman ilakas!" malakas na sigaw ni Maica nung narinig niya ang score niya. Nagtawanan nga kaming lahat dahil sa reaksyon ni Maica. Hanggang sa binanggit ng prof namin ang pangalan ko.
19 po!
"Wowwwww! Isa lang ang mali mo Shem. Ang galing mo naman" hangang puri sakin ni Maica at ganoon din ang tingin ng ibang mga kaklase ko. Kakainis. Anong number kaya ako nagkamali. Dapat sa perfect iyon. Matapos mairecord ni Maam ang mga scores namin ay lumabas na agad siya ng room namin. May next subject na rin kasi kami.
"Umayos na kayo! Nandiyan na si Maam!" tarantang sabi ni Maica at nagmamadaling bumalik sa kanyang upuan nung bumukas ang pintuan ng room namin.
"Breakfast ka muna Shem..." sabi ni Kemuel habang inaabot sakin ang sandwich at iced tea. Tinaggap ko iyon.
"Mahaba haba magdiscuss ang next prof niyo kaya kailangan kumain ka muna" dugtong niya at lumabas na ulit siya ng room namin. Nagtinginan nga sakin ang mga kaklase ko eh.
Tama nga si Kemuel. Napahaba at napakaraming dinidiscuss ng prof namin ngayon. Economics. Mayat maya ko nga naririnig ang supply and demand. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko. Nasaket na kase ang dami ng nakasave. Parang maghahang na rin ang utak ko. Isa't kalahating oras kaming nakinig sa paulit ulit na supply and demand. Gusto ko na ngang gawing ringtone.
Vacant na ulit kami. Mamaya na ulit 1pm ang klase namin kaya bumaba na kami ni Maica para kumain ng lunch. Kundi ako binigyan ng pagkain ni Kemuel kanina ay siguradong maririnig ng mga kaklase ko ang kalam ng tiyan ko. Hindi rin kasi ako kumain sa bahay kanina. Excited kasi akong magcommute. Bago kami tuluyang bumaba ay sumilip ako sa room nila Kemuel. Mukhang may quiz din sila kasi tahimik at halos lahat sila ay nakayuko. Nakita kong tumingin dito glass door si Kemuel. Kinawayan ko siya at nginitian naman niya ako. Binalik niya agad ang atensyon niya sa papel na sinasagutan niya.
1pm pa tapos ng klase namin. Huwag ka lalabas ng school ha.
Nabasa kong chat sakin ni Kemuel habang papunta na kami ni Maica sa cafeteria. Kailangan makabawi ako kay Kemuel. Nag-effort siya kanina para makakain ako. Kaya ako naman ngayon. Give and take lang yan. Hindi ko alam ang gustong pagkain ni Kemuel kaya umorder ako ng tig-iisang order ng mga pagkaing nakadisplay. Siya na bahalang pumili kung anong gusto niya, Naalala ko rin na mahilig siya kumain ng gulay kaya dinamihan ko ang order ng vegetable salad. Sigurado din ako na uhaw siya dahil kanina pa sila dun kaya apat na iced tea na ang inorder ko.
"Magpapakain ka ba sa buong section?" tanong sakin ni Maica nung nakita niya ang lahat ng inorder ko. Wala naman kasi akong idea kung anong pagkain ang gusto ng mga lalake. First time ko lang kasing gagawin to. First time kong magbibigay ng pagkain sa lalake bukod sa kapatid ko.
Tinulungan kami ni Adiel at ni Jillian sa pagdadala ng pagkain. Kahit nga sila nagulat sa dami ng pagkaing binili ko. Bahagya akong kumatok sa pintuan ng room nila Kemuel at dahan dahan kong binuksan iyon. Nag-excuse ako sa prof nila na nagkataong prof ko rin pala sa isa sa mga subject ko.
Shem! Pagtawag sakin ni Mico.
In-excuse ko si Kemuel at pumayag naman si Sir.
"Mukhang hanggang mamaya pa kayo. Kain ka muna ha. Sige kakain na rin muna kami ng lunch. Galingan mo sa quiz" sabi ko sa kanya at naglakad na rin kami pababa nila Maica. Naiabot naman lahat nila Adiel ang pagkain dahil sumunod si Mico at mga kaibigan nito sa paglabas ni Kemuel.
Mabilis din lumipas ang oras ng vacant namin. Sumalang nanaman kami sa discussion at konting recitation. Dalawang beses nga natawag ang pangalan ko sa Marketing eh. Buti nalang ay nakapagbasa basa ako tungkol sa subject na iyon.
Bago kami tuluyang bumaba ulit ni Maica ay muli akong sumilip sa room nila Kemuel. Nakauwe na siguro sila dahil wala ng tao sa room nila kaya nagdirestso na kami sa paglalakad ni Maica. Nahagip ng mata ko si Kemuel. Nakasandal siya sa gilid ng hagdanan at nakapatong ang ulo niya sa dalawang kamay niya.
Author: Comments and likes po :)
Salamat :)
![](https://img.wattpad.com/cover/231176217-288-k414255.jpg)
BINABASA MO ANG
My No Ordinary Love
RomanceTunghayan natin ang simple at nakakakilig na love story ni Shem Keziah Santos (Habang inaantay ang "Ang Manliligaw Kong Bully Book 6). Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa mga inilalathala kong istorya. :)