gsss

53 4 1
                                    

Chapter Five

Shem Keziah Point of View

Midterm exam.

Sana tama ang mga sinagot ko sa exam. Hindi kasi ako masyadong nakapagreview kagabi eh. Inabot na kasi kami ni Kemuel ng ala una sa chat kahit wala naman kwenta pinag-uusapan namin. Pero kahit ganoon nawiwili ako. Aamin na nga ako. May kakaibang nararamdaman na ako para kay Kemuel. Yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Basta gusto ko lagi siyang kasama. Gusto ko lagi ko siyang kausap. Basta yung ganun. Hindi nga mawala sa isipan ko yung time na kinisan niya ako pagkatapos nung laro nila ng basketball. Sabe kasi niya kapag daw nanalo sila ay kiss daw ang reward. Pa-fall masyado eh. Marupok pa naman ako.

"Huwag na kayong maingay nandito na ang dahilan kung bakit lagi tayong may problema sa pera" mabilis na sabi ni Maica at agad na naupo sa tabi ko. Pinamigay na ang test paper at booklet namin. Accounting na. Dito ako nahihirapan e, sa pagbabalance.

Nagsimula na kasi sa exam. Lahat kami tahimik bukod kay Maica na panay ang uga sa upuan ko. Hindi daw niya naiintindihan ang mga nakasulat sa test paper. Palihim ko siyang binigyan ng sagot. Lahat na ata ng subject namin ay walang naintindihan si Maica. Puro kasi kalokohan sa loob ng room. Hindi nakikinig.

"Okay. Pass your booklet" sabi ng prof namin. Hindi na nga namin namalayan na isa't kalahating oras na pala ang lumipas. Ang hirap hirap kasi ng binigay na test. Tapos na ang exam namin para sa araw na ito. Dalawa lang kasi ang schedule ngayon at sa isang araw pa yung natitirang dalawang subject.

"Tingnan niyo oh, ang laki ng saranggola" sabi ni Maica at talagang dumungaw pa sa bintana ng room namin.

"Parang may nakasulat don" dugtong naman ni Cheska.

"I...Miss...You... Shem. IMISSYOU SHEM DAWWW!" napakalakas na sigaw ni Maica dahilan para mapatakbo ako at nakidungaw na rin ako sa mga kaklase ko.

IMissYouShem

"Uyyy! Si Shem... pumapag-ibig na..."

"Yieee. Kinikilig ako.."

"Sana oil" sigaw ulit ni Maica.

Bigalang nagvibrate ang cellphone ko at kaagad kong binasa ang chat na nareceive ko.

IMissYou. Tara kain tayo.

Galing magpakilig ng lalakeng to ah. Epektib.

"Ang tagal mo naman magreply. Tara na" bigla akong napalingon sa likuran ko. Bumungad sakin si Kemuel dahilan para lalong magsigawan ang mga kaklase ko.

Shit. Lalong ang gwapo sa paningin ko ngayon ni Kemuel. Hindi nga agad ako nakasagot sa sinabi niya dahil napatulala pa ako ng ilang segundo sa kanya. Kinuha niya ang bag, hinawakan ang kamay ko at iginiya na niya ako palabas ng room namin.

Nakita ko si Kuya. Nakaupo siya sa bleacher kasama ang mga kaibigan niya. Naramdaman kong bahagyang tumigil sa paglalakad si Kemuel. Nakatingin siya kina Kiya. Ilang saglit lang ay nagsimula na ulit humakbang ang mga pa ani Kemuel. Nananatiling hawak niya ang kamay ko at hila hila niya ako hanggang sa makarating kami dito sa harapan nila Kuya Aedan.

"Kuya Aedan... gusto ko lang po sana ipagpaalam si Shem. Sa bahay po namin kami kakain ng dinner" diretso at magalang na sabi ni Kemuel kay Kuya. Napatahimik lahat ng kasama ni Kuya at natuon saming dalawa ni Kemuel ang atensyon nila. Potek! Ano ba naisip ni Kemuel at nagpaalam pa siya kay Kuya. Pwede naman akong sumama sa kanya ng hindi sinasabi kay Kuya eh.

Hindi ako tinitingnan ni Kuya. Nakatingin lang siya kay Kemuel na nasa harapan niya.

"Hanggang 9pm lang si Shem. Ihatid mo sa bahay pagkatapos"

My No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon