Shem Keziah Point of View
"Paano? Uwe na ako Shem..." paalam niya sakin.
"Ingat ka pag-uwe ha... Salamat ulit!" nakangiting sagot niya at nagsimula na siyang maglakad. Narinig ko pa nga na pasipol sipol pa siya habang naglalakad papalayo. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay.
"Ooooooops! Shem Keziah" pagtawag ni Kuya habang papaakyat ako sa kwarto ko dahilan na rin upang mapatigil ako sa paghakbang.
"Nakita ko iyon" sabi ni Kuya habang nakapamaywang at nakatingin sakin mula sa ibaba.
"Haay naku Kuya sinadya mo iyon noh?" sagot ko sa kanya.
"Shem Keziah Santos ha! Sinasabi ko sayo"
"Kuya Aedan Joseph, mabait yun noh! Goodnight Kuya!" ngiting sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto ko.
Inilapag ko sa kama ang gamit ko at ang libro ko.
Shit! First time kong maramdaman yung kakaibang pintig ng dibdib ko kanina saka yung dahan dahang paglapit niya sakin.
"Hoy Keziah bago ka magpangiti ngiti diyan gusto kong ipaalala sayo na maaga tayong aalis bukas"biglang sulpot ni Kuya sa pintuan ko. Nagulat nga ako sa biglang pagdating niya. Muntik ko na tuloy mabitawan ang hawak kong bench bath. Ay teka! Bakit may bench bath ako? Wala akong natatandaan na may ganito ako. Hanggang sa magpicture sa isipan ko ang scenariong pinahiram sakin kanina ni Kemuel itong hawak kong bench bath.
"Oy! Kinakausap kita. Tulala ka diyan sa bench bath na yan"
"Oo na Kuya"
Ngayon ko lang ulit naalala na may usapan nga pala kami ni Kuya bukas. Hindi ko pinahalata sa kanya na nakalimutan ko na iyon. Pupunta kami bukas sa mall. Gusto kasi ni Kuya na kami ang maggrocery bukas para na rin stock dito sa bahay.
Ayos! Hahanap na rin ako ng ireregalo ko para sa birthday ni Kemuel. Kaso ang problema ko ay wala akong ideya kung ano ba ang mga tipo o gusto ng mga lalake. Alangan naman na yung mga tipo ko ang iregalo ko. Naiimagine ko tuloy si Kemuel na nakasuot ng kulay pink tapos small size. ANG CUTEEEEEEE! (Sa paningin ko lang syempre)
Maaga akong nagising o mas tama na sabihin kong hindi talaga ako nakatulog ng maayos kaya mas nauna pa akong bumangon kaysa kay Kuya.
"Goodmorning Sir!" bati sakin ni yaya habang naghahanda ng almusal namin ni Kuya.
"Tulungan na kita ya" sabi ko at kinuha ko ang hawak niyang plato.
"Ay ako na po Sir. Upo na po kayo dun at tatawagin ko na rin po si Sir Aedan" pigil niya sakin.
"Ayos lang yaya. Sige na po. Tawagin mo na si Kuya Aedan" sabi ko sa kanya at diretso ko ng inilapag ang plato namin ni Kuya.
Inayos ko ang lamesa namin. Nagsalin ako ng juice sa baso namin ni Kuya at niready ko na rin ang pagkain ni Kuya para pagdating niya ay kakain nalang kami.
"Mukhang maganda yata ang gising ng kapatid ko ah" narinig kong bati ni Kuya habang nababa sa hagdan. Bahagya ko siyang sinilip at nginitian ko siya.
"Breakfast is ready Kuya. Tara kain na tayo" paglalambing ko sa kanya.
Naupo na kami pareho ni Kuya at nagsimulang kumain. Katulad ng dati palaging kinakamusta ni Kuya ang pagpasok ko sa school. Tinatanong niya ang mga quizzes at research na pinapagawa samin ng mga prof namin. Syempre dahil sa may deal kami - almost perfect ko lahat yun.
"Teka nga pala Kuya, nabasa ko pangalan mo dun sa bulletin sa school. Tungkol sa foundation day. Ano yun?" tanong ko.
"Pinilit kasi akong i-represent ng buong fourth year para sa Mr. and Ms." Diretsong sagot niya matapos uminom ng tubig.
"Sigurado naman na ikaw mananalo Kuya eh! Ikaw pa!"
"Nambobola ka lang eh" sagot niya.
Paano ko hindi masasabing siya ang mananalo e lahat naman kasi ng sinalihan ni Kuya na contest ay siya ang grand winner. Napakagaling sumagot at syempre sobrang pogi ni Kuya. Santos kami ee.
Sumakay na kami ni Kuya sa sasakyan at nagsimula na si Kuya Ron sa pagdadrive.
"Sir Shem iba ang awra niyo ngayon. Parang ang aliwalas ng mukha mo sir" puna ni Kuya Ron.
"Maganda lang po ang gising ko Kuya Ron" nakangiti kong sagot.
"Naku Kuya Ron mukhang meron tayong lalakeng itatali sa puno ng mangga sa garden"
"Ihahanda ko na po Sir ang latigo at samurai?" tanong na may halong pang-aasar ni Kuya Ron.
"Tumigil nga kayo Kuya. Mabait kaya yun" nakanguso kong sabi sa kanila at sabay silang tumawa ni Kuya Aedan.
"Wala naman kaming sinasabi ah! Tingnan nalang natin kung totoo yang sinasabi mo" dugtong ni Kuya Aedan.
Pumasok na kami sa loob ng mall at dumiretso na kami dito sa supermarket. Naiwan si Kuya Ron sa sasakyan at sinabi ni Kuya na tatawagan nalang uli kapag palabas na kami.
"Dun muna tayo" kasunod nun ay ang pagturo ni Kuya sa vegetable area habang tulak tulak ang cart.
Nagsimula ng pumili si Kuya ng mga gulay. Mahilig kasi sa gulay itong si Kuya. Lalo na yung steam broccoli tapos may timpladong toyo lang. Yun palagi ang nakikita kong kinakain niya kapag nasa pool side siya.
"Nga pala Kuya, ano ba magandang iregalo sa lalakeng magbibirthday?" tanong ko sa kanya nung matapos siyang maglagay ng napakaraming broccoli sa cart.
Tiningnan niya ako ng makahulugang tingin at umiling iling siya. Iniliko niya ang cart sa gawing prutas at pumipili naman siya ng lemon.
"Hindi importante kung ano man ang ireregalo mo. Ang importante ay pinaghirapan mo iyon. Sigurado ako magugustuhan ng kahit sino iyon" mahabang sagot ni Kuya.
Author: Sensya po tagal update. Sobrang busy lang po talaga...
BINABASA MO ANG
My No Ordinary Love
RomantizmTunghayan natin ang simple at nakakakilig na love story ni Shem Keziah Santos (Habang inaantay ang "Ang Manliligaw Kong Bully Book 6). Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa mga inilalathala kong istorya. :)