Jan Kemuel Point of View
Dahan dahan siyang lumapit sakin. Potek! Eto na! Shaks! Bakit ganito ang nararamdaman ko. Kinikilig ko. Hanggang sa maramdaman kong dumampi na ang labi niya sa kaliwang pisngi ko. Napakalambot saka damang dama ko ang mainit na hinga niya.
"Ingat ka pag-uwe ha...Salamat..." huling sabi niya at nagmadali na siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Ako naman ay naiwang parang wala sa sarili ko. Kung wala ngang dumaan na sasakyan ay hindi maiiba ang posisyon ko mula pagkakakiss ni Shem sakin eh. Pakiramdam ko kasi tumigil ang takbo ng oras nung dumampi sa pisngi ko ang napakalambot na labi ni Shem.
Sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko ay hindi ko namalayan na nalakad ko na pala pauwe hanggang sa bahay namin. Hindi ko pinansin ang kapatid kong bumati sakin dahil nagdiretso na agad ako sa kwarto. Pinicturan ko ang picture namin ni Shem na galing sa photobooth at ginawa ko iyong wallpaper ng cellphone ko.
Tangina! Iba yung feelings ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang lalake sa mga oras na ito. Nag-open ako ng facebook ko. In-upload ko yung picture namin ni Shem na nakawacky. Syempre ni-tag ko sa kanya. Dinagsa nga ng comments eh. Tapos talagang piniPM ko ang lahat ng kaibigan ko at sinasabi kong pusuan nila ang picture na iyon.
May gusto ka kay Shem?
Biglang chat sakin ni Mico.
Pre medyo inch ka na kay Shem ha... Stiv ko na iyon
Sagot ko sa kanya. Hindi ko na binasa yung mga comments sa picture namin. Basta importante malaman nila na may Kemuel na para kay Shem. Inch na sila.
I fell in love with you.
I don't know how,
I don't know why.
I just did.
Post ko yan sa timeline ko. Naghanap talaga ako sa google ng pang in love na quotes.
"Kemuel pumarito ka na. Kakain na tayo. Nandito na ang tatay mo" sigaw ni nanay dahilan para bumalik ako sa katinuan ko. Mabilis na akong sumunod sa hapag-kainan. Nagdasal na muli si tatay bago kami nagsimulang kumain.
"Nay, Tay okay lang po ba sa inyo na magkagusto ako sa... ah.. eh..." hindi ko alam kung paano ko sasabihin iyon sa kanila. Baka kasi magalit sila at kung ano ang sabihin nila sakin.
"sa ano?" kunot noong tanong ni nanay. Bahala na. basta gusto ko ipaalam na sa kanila ang nararamdaman ko bago ko gawin ang mga susunod kong plano kay Shem.
"sa..."
"Kay Kuya Shem nanay. May gusto si Kuya kay Kuya Shem!" singit ni Kean.
"Kuya Shem?" halos na sabay na reaksyon ni nanay at tatay.
Ito na nga ba ang iniisip ko kanina pa eh. Hindi naman kasi lahat ng tao ay open sa mga ganoon. Pinaliwanag ko kay nanay at kay tatay ang gusto kong maintindihan nila.
"Binibigyan ka ba niya ng pera anak?" seryosong tanong sakin ni tatay.
"Hindi po tay! Hindi po ganun si Shem"
"Sinusuhulan ka ba niya anak?" singit naman ni nanay.
"Hindi rin po nay! Hindi po ganun si Shem!"
"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo anak?" tumango ako kay tatay. Pinakiramdaman ko rin ang sarili at puso ko at alam kong sigurado na ako sa nararamdaman ko.
"Walang mali sa nararamdaman mo Kemuel. Hindi porket hindi sya babae ay hindi mo na pwedeng magustuhan si Shem. Wala sa kasarian ang pagmamahal. Nasa puso iyon anak" mahabang paliwanag ni tatay.
BINABASA MO ANG
My No Ordinary Love
RomanceTunghayan natin ang simple at nakakakilig na love story ni Shem Keziah Santos (Habang inaantay ang "Ang Manliligaw Kong Bully Book 6). Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa mga inilalathala kong istorya. :)