Shem Keziah Point of View
Bago kami tuluyang bumaba ulit ni Maica ay muli akong sumilip sa room nila Kemuel. Nakauwe na siguro sila dahil wala ng tao sa room nila kaya nagdirestso na kami sa paglalakad ni Maica. Nahagip ng mata ko si Kemuel. Nakasandal siya sa gilid ng hagdanan at nakapatong ang ulo niya sa dalawang kamay niya.
"Uy! Kemuel sinong inaantay mo?" tanong ko sa kanya nung nakababa na kami ng hagdan ni Maica. Halata ngang nagulat siya sa biglang pagtatanong ko sa kanya eh.
"Ahh.. Wala, nagpapalipas lang ng oras... Pauwe ka na?" mabilis niyang tanong sakin.
"Ay... Una na ako Shem. Nagyayakag ng inuman yung tropa ko. Ingat ka pag-uwe" paalam ni Maica at mabilis tumakbo papalabas ng gate. Hindi na nga niya inantay ang sagot ko at mabilis na siya tumalikod at tumakbo.
"Pauwe na rin... Tara sabay na tayo" sagot ko kay Kemuel.
Sumakay na kami ng baby bus. Katulad kaninang umaga ay sa dulo kami nakaupo. Nasa tabing bintana ako at katabi ko naman siya. Parang fiestahan nga daw ang room nila kanina sa dami ng pagkaing dinala ko. Natatawa nga lang ako sa mga kinukwento niyang reaksyon ng mga kaklase niya.
"Baba na tayo. Maglakad lakad muna tayo" yaya niya sakin at pinindot niya yung pulang nasa gilid ng baby bus at tumunog iyon. Huminto naman ang baby bus at hinawakan ni Kemuel ang kamay ko. Siya uli ang nagbayad ng pamasahe namin. Inalalayan niya ako sa pagbaba hanggang sa bukana ng parke. First time ko makapasok sa loob ng parke dito pero lagi naman naming nadadaanan ito. Ang daming nagtitinda ng kung ano anong pagkain. Hindi gaanong maraming tao dahil hapon na.
"Kuya dalawa nga po. Dagdagan niyo ng matamis na bagoong" sabi ni Kemuel sa lalakeng nagtitinda ng manga. Inabot iyon kay Kemuel at lumipat naman kami sa katabing stall naman. Hawak hawak pa rin ni Kemuel ang kamay ko. Akala yata nito ay maliligaw ako kapag binitawan niya ako. Bumili rin siya ng cotton candy saka bottled water.
"Masarap itong mangga ni Manong lalo na itong bagoong. Lagi ako nakain nito kapag napunta ako dito" sabi niya habang nilalagyan niya ng bagoong yung pisngi ng manga at inabot niya sakin. Nakaupo kami dito sa isang bench ng parke. Napakaaliwalas at ang sarap sa pakiramdam dito. Hindi mainit, presko ang hangin dahil napapalinutan ng mga puno. Yung parang coconut tree pero bansot version yung nandito sa parke. Binuksan ni Kemuel ang bottled water at inabot niya sakin iyon.
"Thanks" sabi ko.
"May laban nga pala kami ng basketball sa isang linggo. Gusto mo manuod?"
"Talaga? Sige. San?"
Sinabi niyang malapit lang sa bahay nila ang basketball court na paglalaruan nila. Kinukwento rin niya sakin yung mga kaibigan niya sa lugar nila. Yung si Rj na nagbirthday at si Jerald lang ang natandaan ko. Ang dami niya kasing binanggit na pangalan. Ipapakilala nalang daw niya ako kapag nanuod ako ng laro nila.
"Promise. Ipapanalo ko yun kapag nanuod ka"
"Yabang ah!"
"Basta ichicheer mo ako" nakangiting biro niya sakin.
Matapos naming magkwentuhan ay sumakay na kami ng tricycle. Sabi ko nga sa kanya huwag na niya akong ihatid sa bahay pero mapilit siya. Siya pa rin ang nagbayad ng pamasahe namin hanggang sa makarating kami dito sa tapat ng bahay namin.
"Paano? Ingat ka pag-uwe"
"Ako pa!" mayabang niyang sagot sakin.
"Shem..." tawag niya sakin dahilan para hindi ko ituloy ang pagpasok sa gate namin.
"Samahan mo naman ako sa sabado"
"Saan?"
"Basta. Chat nalang kita mamaya ha" huling narinig ko sa kanya at nagsimula na siyang maglakad papalabas ng village namin. Narinig ko pa ngang pasipol sipol pa siya habang naglalakad.
"Mukhang maganda ang awra ng kapatid ko ah!" bungad sakin ni Kuya. Sinadya nga yata niyang salubungin ako eh.
"Syempre naman Kuya. Mana kaya ako sayo" nakangiting sagot ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng bahay namin.
"Ooooooops! Halika nga dito Shem Keziah"
Paktay tayo diyan. Yan ang ayokong maririnig sakin ni Kuya eh. Ang pagtawag sa buong pangalan ko.
"Sabay natin i-review ang cctv natin. Parang may nakita kasi akong kakaiba"
Shaks! Sigurado akong nakita ni Kuya na hinatid ako ni Kemuel. Siguradong magtataka si Kuya kasi unang beses palang na may naghatid saking lalake dito sa bahay. Iba pa naman mag-isip itong Kuya ko.
"Kaibigan lang Kuya... Ikaw talaga"
Pinangunahan ko na siya. Alam ko rin naman kasi ang tinatakbo ng isipan niya eh.
"Kaibigan? Ka-ibigan?"
"Kuya naman e! Lakad na nga bumalik ka na sa pool. Alam ko naman nandiyan ang mga kaibigan mo. Enjoy lang muna kayo" sagot ko sa kanya. Nawala ang kaba ko nung nasigurado ko na inaasar lang ako ni Kuya.
"Oy Shem! Gusto kong ipaalala sayo dapat kasing pogi, kasing galing at dapat may prinsipyo. Tandaan mo ang lagi kong sinasabi looks can be deceiving"
"Mabait yun Kuya" ngiting sagot ko at umakyat na ako papuntang kwarto ko.
Inilapag ko ang gamit ko at nagpalit na ako ng pambahay. Hanggang ngayon nga busog pa rin ako dahil sa dami ng nakain ko kanina. Nagpadagdag pa kasi ng apat na mangga si Kemuel kanina at pinakain ng pinakin sakin. Nagustuhan ko rin naman yung bagoong. Masarap. Matamis na may kaunting anghang.
Can I borrow a kiss? I promise I'll give it back.
Yan agad ang bumungad sa newsfeed ko. Post ni Kemuel. Ni-like ko lang iyon. Ayoko ngang pusuan. Ewan ko ba nakakaramdam ako ng inis. Dapat nga angry react eh kaso baka naman kung ano isipin ni Kemuel sakin May mga nagkocomment dun sa post niya. Binabasa ko nga eh. Inaabangan ko kung sino ang imemention nilang pangalan para kay Kemuel.
Hi!
Biglang chat niya sakin.
Hindi ko siya nireplyan. Seen lang.
In love na talaga tong mokong na to! Ligawan mo na!
Ayiee! Kemuel pakilala mo na samin.
Ilan lang yan sa mga nabasa ko. Wala nga akong nakikitang nirereplyan ni Kemuel eh. Nakasampung chat na rin sakin si Kemuel pero hindi ko siya nirereplyan.
Ewan ko.
Naiinis ako.
Uy! Chat naman.
Matutulog na ako!
Mabilis kong reply sa kanya. Hindi ko na nga napigil ang sarili ko e.
MAGASGAS SANA YANG NGUSO MO! 😠
Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay na-post ko yan sa timeline ko. Dami nga nagcocomment pero hindi ko rin nirereplyan.
Mukhang beast mode si Shem Keziah ah... Goodnight. Muah!
Chat uli sakin ni Kemuel.
Author: Comments and likes po :) (Vote) na rin.
Nakakasipag mag-update kapag may nababasa pong comments :)
![](https://img.wattpad.com/cover/231176217-288-k414255.jpg)
BINABASA MO ANG
My No Ordinary Love
RomantikTunghayan natin ang simple at nakakakilig na love story ni Shem Keziah Santos (Habang inaantay ang "Ang Manliligaw Kong Bully Book 6). Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta at pagsubaybay sa mga inilalathala kong istorya. :)