Gabriella POV
Natapos ang pag uusap namin ni sofia kanina kaya tinatahak ko na ngayon ang daan patungo sa dorm namin, malapit ng dumilim kaya binilisan ko ang lakad.
Hindi ko mapigilang isiping lahat ng mga sinabi sa akin ng sofia na iyon. Nakagat ko ang pang ibabang labi sa galit.
Matapos akong paalalahanan ni sofia ay nagtanong akong muli sakanya.
FLASHBACK~
"Sila ba ang pumatay kay mika?"
Seryoso kong tanong.
Nabitawan nya ang kamay ko at nagpunas ng luha sa aking harapan.
"I-i don't know. Hindi ko alam kong sila ba o hindi. Pero posible, parati nilang sinasaktan si mika kaya alam kong pwede nilang patayin ito."
"You don't know? Diba sabi mo ikaw ang huling tinawagan ni mika? Anong sinabi nya?"
Hinawakan ko ang braso nito ng madiin.
"Tell me."
Umiling ito.
"Humihingi lang sya ng tulong s-sakin. Yung lang ang naging pag uusap namin at ng kinabukasan hindi ko na sya makontak. Pinagpasyahan kong dalawin siya pero hindi ako pinapasok ng papa mo kaya ang ginawa ko patago akong pumasok. Doon ko nakita ang katawan ni mika na nasa isang silya sa loob ng kwarto nya, ng lapitan ko sya at kuhanan ng pulso. Don na ako napatigil. She was dead, a-and I was shock... mabilis akong umalis sa mansyon nyo, but someone followed me. Nag dadrive ako non ng kotse ko ng..."
Muli itong nag iiyak sa harap ko.
"What happened then?!"
"Pinaputukan nito ang gulong ng kotse ko. Sob, iyon ang dahilan kung bakit nahulog ang sinasakyan kong kotse sa ilog. Lumabas na namatay na ako don but luckily, I was alive. Walang nakakaalam na buhay pa ako."
Gulat na gulat ako sa mga narinig.
Mas lumakas ang iyak nya sa harap ko habang ako ay natahimik at napa hakbang ng ilang hakbang dahil sa mga naiisip. Sh*t, it can't be.
END OF FLASHBACK
This, ano na bang nangyayari? Sa bawat nalalaman ko parang inihahatid lang ako papunta sa papa ko dahil sa lahat ng mga nalalaman ko.
Si papa? Kung totoo ang mga sinasabi ni sofia, bakit hindi hinayaan ni papa na makapasok si sofia bagkus pinigilan nya ito? Sino ang sumunod kay sofia ng makalabas sya sa mansyon? Is it papa? Is it him or not?
Napa kuyom ako ng kamao. I hope you know nothing about this papa dahil kong meron. I really don't know what to do.
"Mika."
Napa tigil ako at napa angat ng tingin sa lalaking nasa harapan ako at hinarangan ako.
"Anong kailangan mo?"
Blanko kong tanong kay Niccolo. For all the people, bakit sya pa ang haharang sa daan ko?
Napa kislot ako ng hinaplos ng kamay nya ang mukha ko. Napa atras ako ng isang hakbang at iniwasan ang palad nya.
"Totoo ba yon?"
Nanatili lamang akong tumingin sa ilalim ngunit dahan dahan akong umangat ng ulo at tumingin sa mga mata nya.
"Ang alin?"
Maang kong tanong.
"T-totoo bang nangyari sayo yon? Fuck, tell me... tell me the truth, mika. Totoo bang ginahasa ka nila?"
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.