Bloody Eight

190 42 19
                                    

"𝑯𝒐𝒍𝒅 𝒐𝒏 𝒕𝒊𝒈𝒉𝒕."

▪︎Tasha▪︎

NAPAINAT ako ng aking katawan nang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tabi ng aking kama.

7:00 A.M

May ilang minuto pa akong natitira bago mag alas otso. Sumandal ako sa headboard ng aking kama at pinagmasdan ang aking silid na ilang araw ko na ring hindi natutulugan.

Pink is the dominant color of my room. From my bed, drawer, closet, mini sofa, study table and even my ceiling is painted with pink. Yes, I admit it's too girly but it is the only color that my parent's want me to like. Even if I was so young when they died, alam kong hindi nila gusto na mapapalibutan ako ng mga dark color. And, I don't know the reason why. If you will ask me what color I like? I prefer black.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at pumasok sa aking banyo upang maligo. Nang matapos na ako, I just wore my uniform, combed my hair and attached a two hair pins on the both side. Why am I wearing this one by the way? I don't know, but I have this feeling that something will be change in my life starting today.

Palabas na sana ako sa kwarto nang makaramdam ako ng pangangalay sa aking balikat.

"Mukhang nanibago ata ang katawan ko dahil sa kama." Mas malambot kasi yung bed na nasa condo ni Dylan. Siguro nasanay na yung katawan ko dahil mag da-dalawang linggo na akong naninirahan doon.

Gosh. I want to see him.

Lumabas ako sa aking kwarto at naglakad para pumunta sa kusina at habang nasa sala palang ako, ay amoy na amoy ko na ang nilulutong agahan ni Tiya Linda. At tama nga ako dahil pagkarating ko roon ay katatapos lang rin matapos ang paggawa nya ng almusal.

"Magandang umaga, Tasha."

Hinila ko ang isang upuan at umupo roon na para bang hindi ko narinig ang kan'yang pagbati. Kumuha ako ng kanin sa rice cooker at nilipat iyon sa aking pinggan.

With the help of my peripheral vission I saw her sit on the chair in front of me. Sinusubaybayan nya lamang ang bawat galaw ko. Kukuha na sana ako ng tocino pero hindi ko iyon naituloy dahil sya na mismo ang naglagay ng dalawang piraso sa aking pinggan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang tanggapin iyon. Nagdasal muna ako bago sinimulan ang pagkain.

"Tasha, galit ka pa rin ba sa akin? Humihingi na ako ng pasensya, alaga ko."

Hindi ako umimik. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain.

"Hindi ko naman sinasadya yung nasabi ko sa'yo noong nakalipas na gabi. Sana mapatawad mo na ako."

Nagsalin ako ng tubig sa aking baso at uminom dahil kapag hindi ko iyon gagawin alam kong mabubulunan ako dahil sa tuloy tuloy kong pagsubo para lamang makaalis sa bahay na ito.

Sana hindi nalang ako umuwi. Masyado atang okupado ang isip ko kahapon kaya naisipan kong umuwi rito sa bahay.

"Tasha, ang iniisip ko lang naman ay ang kaligtasan mo. Ayokong masaktan ka pag dumating ang oras na malaman mong may iba si-

"Alis na po ako." hindi ko na hinayaang marinig muli ang salitang naging dahilan kung bakit nasira ang masayang pagsasama namin ni Tiya Linda. Mabilis kong hinablot ang aking bag at lumabas sa bahay, may kalakasan ko pang naisara ang pinto dahil sa inis na aking nararamdaman.

The reason why did I chose to stay in Dylan's condo is because of Tiya Linda.

"TIYA Linda, mano po."

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon