Bloody Six

235 44 12
                                    

"𝒊'𝒍𝒍 𝒃𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒑𝒕𝒂𝒊𝒏"

▪︎Tasha▪︎

MABILIS na nabalot nang iba't ibang ingay ang loob ng classroom, matapos sabihin ng aming professor ang salitang "Class dismissed." Ingay ng mga upuang nagbabanggan dahil sa pagtayo ng mga kaklase ko, meron ring nagrereklamo dahil sa napakaraming assignments na binigay ng aming mga guro sa iba't ibang subjects, at higit sa lahat ang mga buntong hininga na nagpapasalamat dahil natapos na naman ang araw na ito.

Tumayo na rin ako at inisa-isang niligpit ang mga gamit na nasa ibabaw ng aking arm chair.

"Ginugulo ka pa rin ba ng mga CGirls na 'yon?"

Napaharap ako kay Brittney matapos kong marinig ang tanong nya. Pinasok ko muna sa loob ng bag ang aking yellow paper at highlighter bago sya sinagot.

"Nagkasalubong kami kanina sa locker."

"Ginulo ka ba nila?"

Hindi agad ako nakasagot. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Pero paano kung pati sya ay pag-initan nang ulo nina Asha? Ayoko ng isali si Brittney sa problema ko, kaibigan ko sya kaya ayoko s'yang madamay.

"Hindi na, hinayaan nalang nga nila ako eh. Wag kang mag-alala siguro yung nangyari kahapon ay naghahanap lang sya nang mapaglalabasan ng sama nang loob."

Lumapit si Brittney sa akin at niyakap ako.

"Thank God! Mabuti naman kung ganun dahil kapag inaway kana naman nila. Naku! Kakalbuhin ko talaga ang Asha na yun." Natatawa nitong sabi, kaya pati ako ay natawa na rin.

Pero nawala ang mga ngiting iyon ng mapansin kong parang may nakatitig sa akin at tama nga ang hinala ko dahil nang mapadako ang aking tingin sa  pintuan nakita ko si Knight na nakatayo roon, habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa akin.

His expression is still blank but the way he looks at me? It was like he's saying, "You're lying." And then, I remember. He was there in the locker area the moment Asha and her friends made fun of me.

Kaya siguro sya nakatingin sa akin ng gan'yan dahil narinig nya ang pag-uusap namin ni Brittney at alam n'yang nagsinungaling ako sa kaibigan ko.

I saw him lifted one of his eyebrow before he turned his back on me to walk away.

What's wrong with him? Wala naman sya sigurong pakialam kung nagsinungaling ako diba?

Humiwalay na kami nang yakap sa isa't isa at sabay na bumaba ng building para umuwi. Habang naglalakad papuntang parking area ay biglang pumasok sa aming usapan kung paano nagsimula ang aming pagka-kaibigan.

"ST. VALENTINE ACADEMY"
Enrolment for Freshmen
School year: 2024-2025

KASALUKUYAN akong pumipila sa admin office kung saan nakapwesto ang mga academy staff na nagbibigay ng enrolment form. Alas otso palang ng umaga pero sobrang haba na ng pila at tirik na tirik na ang sikat ng araw.

Pantay pantay lang ang trato ng mga nagbabantay sa mga estudyante. Kailangan mong pumila nang maayos kung ayaw mong ilipat sa huli. Mahigpit rin na ipinagbabawal ang "find a friend" technique. Kung saan kapag may kaibigan kang nasa unahan ay pwede kang sumingit sa pila.

Kaya kahit halos lahat na mga estudyanteng narito ngayon ay mayayaman. Wala silang magagawa kung di ranasin ang init at pangangalay ng paa dahil sa pagkakatayo ng ilang oras.

Kinuha ko ang aking cellphone na nasa loob ng bag at tinext ang boyfriend kong si Dylan.

To: Dy.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon