Epilogue

207 24 0
                                    

"𝑩𝒍𝒐𝒐𝒅𝒚 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒆."
   
▪︎3rd Person▪︎

UMALINGAWNGAW sa buong paligid ang nakakabinging sirena ng ambulansya at sinabayan pa ito ng nakakasilaw na ilaw mula sa sasakyan ng mga kapulisan.

Ang madilim na paligid ng isang bahay ay napapalibutan na ngayon ng kulay pula at asul na liwanag.

Nagkukumpulan ang daan-daang tao na nagsilabasan sa kani-kanilang tahanan upang matunghayan ang kaganapang nagaganap sa bahay na matagal nang abandonado.

"Anong nangyayari?"

"May mga bangkay raw na natagpuan sa loob."

"Hindi ako makapaniwala."

"Nakakatakot."

KINABUKASAN, halos lahat na makikitang balita sa telebisyon ay tungkol sa murder case na naganap sa bahay ng mga Vera. Hindi lamang sa Pilipinas sumabog ang balita, kundi pati na rin sa buong mundo. Mas lalo pa itong sumikat ay dahil sa libo-libong article na nagsilitawan sa social media.

"The Psychopath: Bloody Valentine"

"The Mystery Behind the Death of 4 Valentinians."

"Bloody Valentine Reveal"

Ngunit ang pinakasikat sa lahat ay ang artikulong;

"The Underground Murder Case."

Kung saan ipinakita ang litrato ng isang bahay na hindi kalakihan. Hindi mo aakalain na ang apat na sulok ng maliit na bahay ay may tinatago palang malaking sekreto na ikinabigla ng lahat.

"Paano po ninyo natuklasan ang tungkol sa lugar na iyon?" tanong ng isang reporter kay Inspector Tobias, na s'yang nangunguna sa pag-iimbestiga tungkol sa kaso.

"Nakatanggap kami ng mensahe galing sa isang anonymous sender. Kung saan kalakip nito ang iba't ibang litrato na makikita sa undergroud ng bahay."

"Maaari po ba nating pasukin ang loob?"

Tumango ang inspector.

"Kung makikita ninyo, ay simple lamang ang loob ng kabahayan. May roong sala, kusina at dalawang kwarto. Ngunit, kung pupunta tayo sa kusina at bubuksan natin ito, ay hindi tatambad sa inyong harapan ang loob ng isang ordinaryong ref. Dahil ang sasalubong sa inyo ay  kadiliman kung saan ang daan patungong underground."

Nanguna sa pagbaba ang inspector at sumunod ang reporter ganun din ang kasama n'yang camera man. Pitong hagdan ang kanilang inapakan bago makarating sa baba.

Mabilis na umikot sa palagid ang camera upang maipakita kung ano ang itsura ng nasa ilalim.

Wala itong iki-naiba sa itsura ng nasa taas. Pareho rin itong may sala, may kusina at apat na nakasaradong pinto. Pero hindi maipagkakailang mas malawak ang bahay na nasa ilalim kesa sa bahay na nasa taas.

"Ano po sa tingin ninyo, kung bakit nagawa ng pamilya na magkaroon ng bahay sa ilalim, gayong may bahay naman sila sa taas?"

Inilapit ng reporter ang hawak na mic sa baba ni Inspector Tobias.

"Yun din ang sinisimulan naming imbestigahan. Ang tungkol sa mag-asawang Noah at Carina Vera. Pero sa ngayon, ay napag-alaman na naming hindi iyan ang tunay nilang pangalan. Magbibigay kami ng mas maraming impormasyon kapag natapos na namin ang imbestigasyon."

Nagsimulang maglakad si Inspector Tobias sa unang nakasaradong pinto at binuksan ito.

"Ano po ang lugar na ito?"

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon