Bloody 24

129 20 5
                                    

"𝒀𝒐𝒖 𝒂𝒍𝒓𝒆𝒂𝒅𝒚 𝒉𝒖𝒓𝒕 𝒎𝒆, 𝑴𝒐𝒎𝒎𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒂𝒅𝒅𝒚."

▪︎3rd Person▪︎

Italy 🇮🇹

Year 2002

"TUO figlio è una ragazza, mio ​​signore." (Your child is a girl my Lord.) nakayukong sabi ng lalaking nakasoot ng kulay itim na tuxedo. Habang ang taong kan'yang kinausap ay nakaupo sa isang kulay gintong upuan at walang emosyong nakatitig lamang sa kanya.

"Una ragazza?"(A girl?)

"Sì, mio ​​Signore." (Yes, my Lord.)

Humithit ang lalaki ng tabacco at mabagal na binuga ang usok pataas. Hindi nya alam kung ano ba ang dapat nitong maramdaman. Dahil na rin sa hindi nya inaasahan na babae ang naging anak nya. Nakaramdam sya ng konting saya pero mas lamang pa rin ang pagkadismaya.

Having a daughter is useless majority of his mind said. But it's already enough to use as his card to get what he wants.

Power and money.

"Prendi il bambino adesso e crescere quel bambino in una delle nostre dimore." (Get the baby right now and raise that child in one of our mansion.)

Inabot nya ang pinakamalapit na ash tray upang patayin ang tabacco'ng hindi pa nangangalahati.

"Alzala e allenala bene, perché un giorno diventerà una di voi. O è un assassino professionista o una prostituta professionista." (Raise and train her well, because one day she will become one of you. It's either a professional killer or a professional prostitute.)

Mas lalong yumuko ang lalaki upang ipakita na susundin nito ang kan'yang utos. Pero mabilis rin itong nag-angat ng tingin dahil may isang bagay pa s'yang kailangang sabihin.

"E la madre, mio ​​signore?" (What about the mother, My Lord?) Nakita n'yang bahagyag natigilan ang lalaking kaharap. Pero hindi nagtagal ay sumilay ang ngiti sa labi nito. Iyong klase ng ngiti na may kademonyohang binabalak.

"You already know what to do when a person became useless," nag-angat ito ng tingin kung kaya nagkatitigan silang dalawa. "Uccidila." (Kill her.)

Location: Noi Cura Ospedale

Kasalukuyang hinehele ni Schiava ang sanggol na kan'yang iniluwal, dalawang araw na ang nakalilipas. May ngiti sa kan'yang labi habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng kan'yang anak.

Ngunit hindi nabura sa kan'yang isipan ang naging dahilan kung bakit may nabuong sanggol sa kan'yang sinapupunan, gayong wala naman s'yang asawa.

Iyon ay dahil sa isang kontrata.

Kontrata na kailangan n'yang dalhin ang anak ng kanilang pinuno. Kapalit nito ang kalayaan at pera na maaaring daan upang makapagsimula s'yang muli.

Ang bawat isa sa kanila ay may makukuhang pakinabang sa sanggol.

Sa kanya ay ang pagiging malaya at para naman sa lalaki ay ang kayamanan ng pamilya nito.

Noong una s'yang alukin ay hindi sya pumayag pero nang malaman na kalakip nito ay kalayaan bilang isang prostituta (prostitute) ay tinanggap na niya ito. Labag sa loob n'yang maging isang parausan pero wala s'yang nagawa nang ibenta sya ng kan'yang ama kapalit ng isang bahay at lupa. Ang pangalawang lalaking umangkin sa kanya ay ang ama ng kan'yang sanggol: Si Abramo Ajello.

Kahit alam n'yang panandalian lamang ang pagsasama nilang dalawa gusto n'yang iparamdam sa anak na mahal na mahal nya ito.

"I know your father will take good care of you." hinalikan nya ang noo ng sanggol at marahang hinimas ang pisngi nito gamit ang kan'yang hintuturo. "I will watch you grow from afar, my bambina."

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon