Bloody 13

145 31 4
                                    

"𝑩𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒊𝒕'𝒔 𝒐𝒖𝒓 𝒃𝒊𝒓𝒕𝒉𝒅𝒂𝒚."

▪︎Tasha▪︎

"KNIGHT where am I?" bumangon ako mula sa pagkakahiga at sinandal ang aking likod sa headboard ng kama.

"Are you okay?" tanong nito habang nakatayo sa aking paanan.

Inilibot ko muna ang aking paningin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa loob ako ng Academy clinic. Muli kong binalik ang tingin kay Knight upang sumagot.

"Okay naman ang pakiramdam ko. Ano bang nangyari?"

Naglakad sya palapit sa akin at umupo sa upuang nasa gilid.

"You fainted on the pathway after you attacked Berry."

Nagtaka ako. The last thing I remember ay pumasok ako sa school nang mag isa hanggang sa makasalubong ko ang kambal, pero umiwas ako. Matapos nila akong komprontahin ay mabilis ko silang tinalikuran kasi ayokong makahatak ng atensyon kapag nagtagal pa ang pag-uusap naming tatlo. Yun lang ang naalala ko tapos nagising na ako dito sa clinic.

"Inatake ko si Berry? Bakit?" naguguluhang tanong ko. I saw him raised his eyebrow.

Oh my gosh! This is the first time that I saw an expression on his face.

He's confused.

"You don't remember anything?"

"Like attacking Berry?"

"Yes."

I moved my head sideways to answer. That's the truth I really can't remember na may ganoong nangyari sa pagitan namin. At kung totoo man ang sinasabi nya, siguro hindi ko na maalala dahil sa sobrang pagod at stress. Alam ko naman kasi sa sarili ko, na wala akong sapat na tulog at hindi ako nakapag-agahan dahil sa problemang kinasangkutan ni Dylan sa ngayon.

"Ikaw ba ang nagdala sa akin rito?" he just gave me an expression that say's "Isn't it obvious?" I just gave him a slight smile as a reaction.

"Tara na, baka ma-late pa tayo sa first period." pag-iiba ko nang usapan bago bumaba sa kama ay sinoot ang aking sapatos. Pero hahawiin ko palang sana ang kurtina na nakaharang sa hinihigaan ko, ay mabilis na hinawakan ni Knight ang aking palapulsuhon. "May problema ba?"

Tinaas nito ang kan'yang kaliwang kamay kung saan nakalagay ang wrist watch nya. Ilang beses ko pang kinurap ang aking mata kung tama ba ang pagkakabasa ko ng mga numero.

"1:23 P.M?" Anim na oras akong nawalan ng malay? "Don't tell me buong magdamag mo akong binantayan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. That's why you have to treat me for a late lunch." after that, he pulled my hand through the exit door of the clinic and went to the cafeteria.

MAGKAHARAP kami ngayon ni Knight habang kumakain. At tulad nga ng sinabi nito ay ako ang nagbayad ng pagkaing in-order nya. Hindi na ako umangal dahil kahit sa ganitong paraan ko na lamang maipakita ang pasasalamat ko sa kanya. Ilang beses nya na ba akong tinulungan? Isang beses? Dalawa? Tatlo o apat? hindi ko na mabilang. Basta ang mahalaga ay lubos akong nagpapasalamat sa kanya.

Hindi naman ako nakaramdam ng pagka-ilang kahit na ito ang unang beses na magkasama kami sa pagkain ng lunch. Ngunit ang nakakabahala lang ay ang mga mata ng mga estudyanteng kanina pa nakatingin sa gawi namin.

Ako lang ba ang nakakaramdam sa presensya nila? O sadyang wala lang talagang pakialam si Knight sa kan'yang paligid.

Muli akong napatingin sa kanya na ngayon ay busy sa pagkain ng in-order n'yang jjampong at tteokboki. Magana s'yang kumakain, na para bang nalipasan talaga sya ng gutom. Kaya gamit ang aking chopstick  kumuha ako ng dalawang pirasong siomai sa aking plato at nilagay yun sa loob ng kan'yang bowl.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon