Bloody 15

147 33 5
                                    

"𝑰𝒕'𝒔 𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒕𝒐 𝒍𝒊𝒄𝒌 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒂𝒊𝒏 𝒅𝒊𝒔𝒉."

▪︎Tasha▪︎

HINDI ko na namalayan ang oras kung gaano na katagal ang nilagi ko sa party nina Berry at Cherry.

Nakapaglaro na kami ng iba't ibang parlor games. Tulad ng singing bee, eat what you get, stop dance, trip to Jerasulem at nag truth or dare na rin kami. Habang tumatagal isa isa ko na ring naaalala ang mga pangalan ng mga ka-blockmates nila.

Tulad nalang nitong babaeng katabi ko na nag ngangalang Kyn Justine. Ang kwento nya sa akin, isa raw sya sa napagtripan ng CGirl dahil lang sa hindi branded ang bag na ginamit nya noong first day of school. Ilang beses raw s'yang tinawag na Proley na ang ibig sabihin ay Proletariat o mahirap. Kaya makalipas raw ang dalawang linggo ay nagpabili sya ng Gucci na bag. Kaya ayon tinantanan na sya ng tatlo.

Well, hindi ko naman sya masisisi. Dahil kung kaklase ko ang CGirl, na isa sa pinakamayamang estudyante na nag-aaral sa Academy, gagawa rin ako ng paraan para tantanan nila. Pero mabuti na nga lang dahil sa kaso ko, sila mismo ang humingi ng pasensya.

Nagpaalam sa akin si Kyn na kukuha lang raw sya ng maiinom. Kaya naiwan akong mag-isa rito sa couch. Walang tigil pa rin sa pagsasayawan ang ibang kababaihan pero habang tumatagal ay nag-iiba na ang uri ng kanilang pagsayaw. Nagiging sexy at nagmumukhang malaswa na ito.

Napadako ang aking atensyon malapit sa man made na stage nang makarinig ako ng iba't ibang klase ng hiyawan. Pinaliit ko ang aking mata upang maging malinaw sa aking paningin kung ano ang kaganapang nangyayari.

May isang babaeng nakahiga sa pahabang mesa. Wala s'yang suot na damit pantaas at ang tanging natira lamang ay ang kan'yang bra. Nakita kong binuburan ng asin ang kan'yang dibdib, binuhusan ng alak ang kan'yang pusod at pinakagat sa kan'ya ang isang slice ng lemon.

May pumwestong lalaki sa kan'yang tagiliran at agad na nanlaki ang aking mga mata, nang yumuko ang lalaki at inilapat ang kan'yang bibig sa katawan ng babaeng nakahiga.

Una, sinipsip nito ang alak sa tiyan ng babae pataas sa kan'yang dibdib, nakita kong dinilaan nito ang asin sa bahaging iyon at muling tumaas ang kan'yang ulo hanggang sa tumapat iyon sa bibig ng babae. Kinuha nya ang lemon sa pagitan ng bibig nito gamit ang kan'yang ngipin at ilang segundo ang lumipas ay nagsimula na silang maghalikan.

At habang ginagawa nila iyon buong lakas namang naghiyawan ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanila. At hindi nakawala sa aking paningin sina Cherry at Berry na nagsisimula nang maghalikan sa isa't isa.

Anong nangyayari?

Mabilis kong hinanap ang orasan at doon ko nakita na mag a-alas dose na pala ng hatinggabi.

Masyado ko na atang na-enjoy ang gabing to. Pero kailangan ko nang umuwi dahil baka wala na akong makitang taxi na maaari kong masakyan pabalik sa building ni Dylan.

Tumayo ako sa aking kinauupuan pero napaupo akong muli dahil biglang umikot ang aking paningin.

Shit! Iyong alak lang naman na binigay sa akin ni Cherry ang ininom ko. Eh, bakit parang tinamaan na agad ako? Mahina kong hinampas ang aking ulo at muling tumayo sa aking kinauupuan pero mas tumindi na ang nararamdaman kong pagkahilo.

Nakita kong naglakad palapit sa akin si Berry at nag-aalang napaupo sa aking harapan.

"Okay ka lang ba, Tash?" Inabot ko sa kanya ang aking kamay at naramdaman kong hinawakan nya iyon.

"Kailangan ko ng u-u-muwi. Baka kasi wala na a-akong mas-sakyan."

"Lasing kana Tash, dito ka nalang matulog sa bahay. May bakanteng kwarto naman sa taas."

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon