Bloody 22

138 25 2
                                    

"𝑰𝒕'𝒔 𝒇𝒊𝒏𝒆, 𝒚𝒐𝒖 𝒖𝒔𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒆𝒂𝒕 𝒎𝒚 𝒍𝒆𝒇𝒕 𝒐𝒗𝒆𝒓 𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕?"

▪︎Tasha▪︎


"BAGAY po ba Tiya?"

"Naku anak, mas lalo kang gumanda sa damit mo. Litaw na litaw ang maputi mong balat."

"Talaga po? Baka binobola nyo lang ako ha."

Mabilis na umiling si Tiya upang ipakita na hindi totoo ang sinabi ko. Muli akong umikot na parang prinsesa sa malaking salamin ng aking kwarto. Natutuwa akong pagmasdan ang pagtalbog ng dulo ng soot kong bestida.

Simple lamang ang disenyo nito at hindi magarbo. Yung masasabi mong isang Tasha Vera talaga ang susoot. Napapalibutan ng kulay puting beads ang bewang at may malaking paru-parong kulay itim sa kanan kong dibdib. Ang haba naman nito ay hanggang tuhod ko lamang.

Sabay naming binili ito ni Brittney kahapon nang umaga sa mall. Mabuti nalang dahil sya mismo ang nag-aya sa akin. Dahil kung hindi nya ako kinontak, ay mapipilitan akong umalis nang mag isa. Malaki talaga ang pasasalamat ko na nand'yan ang aking best friend. Dahil hindi ako nahirapan sa pamimili ng bestida kasi meron akong mahihingan ng suhestiyon.

"Anong oras ba mag-uumpisa ang program nyo, anak?"

"Alas sais po ng gabi, tiya." Nakangiti kong sagot. Ngunit nawala ang ngiting iyon ng mapadako ang aking paningin sa orasan. "Oh my! Malapit nang mag 6." natataranta kong sinoot ang puti kong doll shoes at patakbong tinungo ang pintuan.

"Tiya, mauna na po ako. Kita nalang po tayo mamaya."

"Mag enjoy ka, anak."

Kumaway muna kami sa isa't isa bago ako pumara ng taxi upang magpahatid sa eskwelahan.

"Saan po kayo ma'am?"

"St. Valentine Academy po, manong."

Haay! Sana lang talaga ay hindi ako dalawin ng antok sa buong program. Hindi pa naman ako nakatulog nang maayos dahil excited ako sa araw na ito. Hindi ko alam kung sa anong dahilan. Tutal, hindi naman espesyal ang mga activities na gagawin mamaya. Pero ang excitement na nararamdaman ko sa loob ay nahahaluan ng kaba.

Kaba, dahil sa inaktong kakaiba kagabi ni Dylan. Yung unang beses na sya ang unang nagbaba ng tawag.

Busy ba sya?

Maling timing ba ang pagtawag ko?

Pero kailangan ko munang iiwas ang isipan ko sa bagay na iyon. Dahil kailangang nasa payapa ang isip at puso ko ngayong gabi.

Nakarating kami sa Academy at mabuti nalang dahil open gate ngayon ang paaralan. Kaya pinasok talaga ni manong driver ang taxi sa loob at doon talaga ako binaba sa tapat ng gymnasium.

"Maraming salamat po."

"Walang anuman, ma'am."

Namayani sa buong paligid ang malumanay na musika na madalas mong naririnig kapag nagkakaroon ng misa. Kitang kita ko mula sa aking pwesto ang mga estudyanteng naglalabas pasok sa gym. Yung iba ay nagtatawanan, nagkakamustahan, nag-uusap pero may iba ring palang napilitan lang na dumalo sa Vigil Festival.

Nag-umpisa na rin akong maglakad papasok at sinalubong ako ng isang Academy staff. Sa pagkakaalam ko, sya ang head committee ng Faith Club, na s'yang nag fa-facilitate ngayong gabi.

"May you have peace in your heart, my sister." Malumanay ang boses nya. Bagay na bagay sa kan'yang mala-anghel na mukha. Napadako ang tingin ko sa kamay n'yang may hawak na isang bracelet at may disenyo itong puting rosas, ngunit iyong plastic lamang upang hindi malanta.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon