Bloody 14

138 33 8
                                    

"𝑬𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒚."

▪︎Tasha▪︎

TODAY is saturday. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin na nasa loob ng kwarto namin ni Dylan. Isa isa kong pinapatong ang mga damit sa aking katawan, upang matingnan kung ano ang mas maganda kong susuotin sa party na gaganapin mamayang gabi.

The twin said that the party's theme is like New York style. So kailangan kong magmukhang new yorker para hindi naman ako ma-out of place sa party.

Kaya in the end I chose my ripped jagger pants, black sleeveless top that my belly button would be exposed and I will wear my boots as a foot wear. Mabuti nalang talaga dahil nadala ko ang mga damit na ito sa condo ni Dylan. Dahil kung hindi? Mapipilitan akong umuwi sa bahay at makikita ko na naman si Tiya Linda.

Hindi ko pa kasi alam kung kelan ako makikipag-ayos sa kanya. Ramdam ko pa rin kasi hanggang ngayon ang pagsampal nya sa aking pisngi. Siguro, dahil yun ang unang pagkakataon na napagbuhatan nya ako ng kamay.

I shaked my head thrice to push away that scene in my mind. Kailangan kong maging positive ngayon dahil inimbitahan ako sa party ng mga bago kong kaibigan.

I looked at my phone who is placed on the top of our bed. Kinuha ko iyon at binuksan. Nalungkot ako dahil wala akong nakitang text kahit isa lang.

Galit pa kaya sa akin si Brittney? Hindi ko naman kasi inaasahan na magkakasagutan kami kahapon.

Hindi mawala wala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad papasok sa classroom. Napansin naman ni Brittney ang kakaiba kong kinikilos noong makaupo na ako sa tabi nya.

"What's with the smile?" she asked.

"Masaya lang ako kasi nagkabati na kami ng kambal."

"Kambal?"

I faced her. "Oo, sina Berry at Cherry."

Brittney raised her eyebrow after I mentioned their names. Mariin nya akong tinitigan para alamin kung nagsasabi ba ako nang totoo o hindi. She moved her body on my direction and crossed her legs.

"How come? Alam naman nating pinag-iinitan ka ng kambal diba?"

"Oo. Pero hindi na ngayon. Alam mo bang pinuntahan nila ako kanina sa rest room at humingi sila ng pasensya sa akin sa mga maling nagawa nila. Tulad ng pagsabunot sa akin, pagtawag na mamamatay tao raw ako at binawi na rin nila ang masamang sinabi kay Dylan." nakangiti pa ring sagot ko sa kanya. Pero mas lalo lamang pumangit ang binigay na reaksyon ni Brittney. 

"At naniwala ka naman?

"At first, no. But the moment they cried in front of me? I can clearly feel, that what they said are true and sincere. They hold my hand tightly just to get my forgiveness. And, who am I not to give the thing that they want? After all, eto naman talaga ang gusto ko. Ang maging payapa na ang buhay ko tulad ng dati."

"Hindi mo man lang ba naisip na baka pinagti-tripan ka lang nila? Tash, mas nauna ko silang nakilala. At kahit papaano alam ko na ang pasikot sikot nang ugali nila."

"So anong gagawin ko? Wag silang patawarin?"

"If that's the only way to keep yourself away from harm. Do it."

"But they invited me to their birthday party, because they already considered me as their friend."

"Wag kang pumunta." malumanay pero may kakaibang diin nya itong minitlang. I can see in her eyes that she's mad because of what I did at the same time disappointed.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon