Bloody Five

246 43 19
                                    

"𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒉𝒊𝒕𝒆 𝒄𝒐𝒍𝒐𝒓𝒆𝒅 𝒉𝒂𝒊𝒓."

▪︎Tasha▪︎

"MAGKITA nalang tayo mamaya ha."

"Sure, ingat ka sa klase mo." I sweetly said, after that Dylan kissed my forehead and bid goobye.

Habang naglalakad sya papalayo ay kumaway pa ako sa kanya kahit na nakatalikod na sya sa akin. I compose myself first bago tumalikod para pumasok sa loob ng building.

Normal lang na naglalakad, nag-uusap, nagtatawanan at naghaharutan ang mga estudyanteng aking nakakasalamuha. It feels like what happened yesterday is just part of their exam. Stressed today, move on tomorrow.

The death of Neil Vergara is all over the internet. Meron ring mga local news station na binalita ang pagkamatay nya. The police  don't have any clue or evidence to point out the person who killed him. Masyado raw kasing malinis ang crime scene. Isa isa ring pinuntahan kagabi sa kanilang mga tahanan ang mga taong malalapit sa kanya o nakasalamuha nya ng araw na yun. Even the investigators came to Dylan's condo to ask me some questions.

"WHAT is your relationship to Mr. Neil Vergara?" the policewoman asked me.

"He courted me when I was in first year college but I turned him down. After that, we don't have any connection anymore."

"According sa source namin. Sa mismong araw na natagpuan ang bangkay nya ay may nakasaksi na may pinag-awayan kayo sa building ng AB College kung saan ay tinuhod mo sya. Maaari ko bang malaman ang dahilan kung bakit ginawa mo yun?"

Hindi ako nakapagsalita. Is it really necessary to tell her what really happenend back there? Wala namang koneksyon yun sa pagkamatay niya. Unless ako ang pinagbibintangan na pumatay sa kanya dahil lang doon. Naramdaman ko ang mahigpit na kamay na humawak sa aking palapulsuhan. Nang i-angat ko ang tingin ay doon ko napansin si Dylan na nasa tabi ko na pala. Nginitian nya ako na parang pinalalakas nya ang aking loob.

"Don't be afraid."

Tumango ako, at muling hinarap ang pulis.

"It's just a self defense. Binastos nya ako nang mga oras na yun. Kinulong nya ako sa magkabilang braso nya at pilit dinidikit ang kanyang katawan sa akin. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko kaya nagawa ko yun."

That's the truth but it's only half of the whole scenario that really happened back there. Ayokong sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit umabot sa punto na binastos nya ako.

Wala akong nakitang emosyon sa mukha ng babaeng pulis ngunit sapat na ang pagtango nya para paniwalaan ang sinabi ko.

"May mga kakilala ka bang may galit sa kanya?"

"Wala po. Dahil tulad ng sinabi ko kanina wala na po akong naging koneksyon kay Neil."

Nakita kong pinatay nya ang hawak na voice recorder matapos kong sagutin ang huling tanong nya.

"Thank you so much for your cooperation Ms?"

Inabot ko ang kanyang kamay na nakalahad sa akin at muling nagpakilala.

"Tasha. Tasha Vera."

NANG madaanan ko kanina ang crime scene may iilang pulis pa ring nasa loob nun upang ipagpatuloy ang pag-iimbestiga. May yellow line na ring nakaikot sa paligid "DO NOT ACROSS".

Hanggang ngayon hindi pa rin ako tuluyang makapaniwala sa nangyayari. Inside the school campus sino ang mag-aakalang may patayan pa lang magaganap? Sino ang pumatay sa kanya? Anong dahilan? Nag-aaral rin ba sya sa eskwelahang ito? Kahit ang mga katanungan ko ay hindi ko rin naman alam kung saan ako kukuha ng sagot. Ang magagawa ko nalang ngayon ay ipagdasal ang kaluluwa niya.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon