Bloody 19

129 22 2
                                    

"𝑻𝒉𝒆𝒏, 𝒎𝒂𝒌𝒆 𝒎𝒆 𝒕𝒊𝒓𝒆𝒅 𝒆𝒗𝒆𝒏 𝒎𝒐𝒓𝒆."


▪︎Tasha▪︎

"KUMUSTA naman ang araw mo?"

"Ayon, hindi ako masyadong nakapag-concentrate sa mga lecture dahil panay ang tingin ko sa orasan."

"Bakit? Dahil inaabangan mo ang paglaya ko?"

"Oo, miss na miss na kaya kita. Pasensya na ha, dahil hindi ako nakapunta sa presinto para sundiin ka. Gusto ko kasing pagkarating mo rito sa bahay ay may pagkain nang nakahanda para sa'yo. Ayaw ko namang pakainin ka ng fast food no. Syempre gusto ko ako mismo ang magluto nang hapunan na kakainin mo."

Tumayo ako at sumandok ng kanin sa bowl at nilagay iyon sa pinggan ni Dylan, na halos makagawa na ako ng burol dahil sa dami ng kanin na nilalalgay ko sa kan'yang pinggan.

"Babe, busog na ako. Hindi ko na kayang ubusin iyan." Bakas sa boses niya ang pagtutol.

"Pero babe, kailangan mong bawiin yung mga araw na puro pagkaing pampreso ang nakakain mo."

"Pero babe-

Tiningnan ko sya at pinandilatan nang mata. Mukhang nakuha nya naman ang kailangan kong iparating kaya hindi na lamang sya nagsalita at sinimulang sandukin nang kutsara ang kaning nasa kan'yang harapan.

Ang gusto ko lang naman ay makita s'yang kinakain ang mga paboritong pagkain nya. Nagluto ako ng pachero at relyenong bangus. Alam ko kasing paboritong paborito nya ito. Ang ginawa ko namang dessert namin ay ang fruit salad na s'yang paborito nya ring kainin.

I will spoil him because I know he's been in a difficult situation this past few weeks. I want him to feel that he's back on his normal day and activity. Starting, by eating his favorite food.

Masaya kaming nagkwentuhan ni Dylan habang kumakain nang hapunan. Isa isa naming pinag-usapan ang mga masasayang nangyari sa aming dalawa. Tulad noong nag celebrate kami ng first monthsarry. Kung saan nagdate lamang kami sa mga street food stall na nasa labas ng mall. Yes, it's cheap but yet it stayed special to me. Yung unang beses na pinakakilala nya ako sa parents nya. Hanggang ngayon, alam na alam ko yung kaba na nararamdaman ko noong nakaharap ko sina Tita at Tito.

Akala ko nga hindi nila ako magugustuhan dahil isang simpleng bestida lang ang soot ko noon at di pa ako marunong maglagay ng make-up. Aksidente naman kasi yung nangyari. Nag de-date lang kami nun sa supermarket ng mall tapos nakasalubong namin ang parents nya. Kaya ayun, pormal nya na akong pinakilala. Mabuti nalang dahil katulad ni Dylan ay mabait rin ang magulang nya.

Nang matapos na kaming kumain ay si Dylan na ang nag presenta na maghugas nang pinagkainan. Hindi na ako tumutol dahil alam kong hindi sya magpapatalo. Kaya iniwan ko na muna sya sa kusina at dumiretso na ako sa banyo upang mag half-bath. Kailangan ko ring ihanda ang gamit n'ya panligo upang makapagpahinga na kaming dalawa. Alam ko kasing pagod ito dahil sa ilang linggo na pagkakatulog sa malamig na sahig ng kulungan.

Mabilis kong pinusod pabilog ang aking buhok at tinakpan ng puting tuwalya ang basa kong katawan nang matapos ako, at kasabay nun ang pagbukas ng pinto nang banyo at niluwal si Dylan na mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.

"Ikaw na ang maligo. Inihanda ko na rin ang cream at shaver mo para makapag-shave ka."

"Pwede bang ikaw nalang ang mag shave sa akin? Pagod na pagod kasi ako."

Naglakad sya palapit sa aking pwesto at bago umupo sa bakal na upuan, ay hinubad nya muna ang kan'yang pantaas na damit. Napairap ako, dahil bakas sa mukha nya na may iba pa itong motibo. Paano ba naman dahil ang sulok nang kan'yang labi ay nakaangat.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon