Bloody 16

147 29 10
                                    

"𝑺𝒉𝒆'𝒔 𝒂𝒔𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒆."

▪︎Tasha▪︎


SA BAHAY na ako nina Brittney nagpalipas ng gabi. Magkatabi kaming natulog sa loob ng kan'yang kwarto kahit na sinabi kong pwede namang sa guest room nalang nila ako matutulog. Pero ang sabi n'ya hindi na raw dapat akong mahiya dahil ilang beses na rin kaming natulog na magkatabi.

Ilang beses na ba kaming nag sleep over sa bahay nila? Hindi ko na mabilang.

Kinabukasan. Araw ng lunes, ay kailangan naming pumasok dahil may reporting na magaganap sa first and second subject namin sa umaga. Pinahiram na lamang ako ni Brittney ng kan'yang uniform upang hindi na ako mag-aksaya ng oras para magbihis sa condo ni Dylan. Kaya ayun, pumayag na rin ako.

Ang importante naman sa lahat ay dala ko ang aking cellphone at wallet.

Pwede namang akong mag pa-send ng PPT sa aking phone, pagkatapos mag report ng mga kaklase ko, at sa gabi ko nalang ito babasahin upang pag-aralan.

Pagkarating namin sa Academy ay normal lang naman na naglalakad ang mga estudyanteng nakakasalubong at nakakasabay namin sa daan. Pero yun nga lang dahil yung ibang estudyante ay mga kaklase nina Berry at Cherry kaya nagugulat ako kapag kumakaway sila at tinatapik ang aking balikat para batiin.

"Tash, good morning."

"Hey, you're Tasha right? from the birthday party of Chen Twins?"

"Yow girl. Hope we can hang out again."

"Hi, Tash."

"You look amazing that night."

Iilan lamang yan sa mga salitang aking naririnig mula sa mga ka-blockmates ng kambal. Kahit hindi na ako pamilyar sa mga pangalan nila, ay binabati ko pa rin sila pabalik upang hindi ako magmukhang bastos.

Hindi ba nila naalala kung ano ang nangyari sa akin sa party na yun? Tama nga, mas lalo silang abala sa pagkakasaya habang ang kasama nila ay muntik ng mahalay.

They are not my friends. They are bunch of people who became my friends but only on that day.

"Ang famous mo naman girl." Brittney said, full of sarcasm. I slightly punched her arm and gave her a glare.

"Shut up."

MALAKAS akong napahikab matapos ang aming first period. Nakalabas na ang aming guro, habang ang mga kaklase ko namang nag report kanina ay nasa harapan at nililigpit ang mga ginamit nilang visual aids sa reporting.

Napatingin ako kay Brittney na ngayon ay nag a-apply ng liptint at inaayos ang guhit ng kan'yang kilay. Gosh! Mag se-second period palang pero nag re-retouch na agad sya. Naramdaman nya siguro ang mga titig ko kaya nabaling ang kan'yang atensyon sa akin at binigyan ako ng isang nagtatanong na tingin.

I just gave her a smile to say, "No, just continue what you're doing." She just plucked her lips, para ipagmayabang ang mapupula n'yang labi.

Weirdo.

Meron pa kaming 20 minutes na break bago magsisimula ang second period. Kaya kinuha ko na lamang ang cellphong kong nasa bulsa upang i-open ang aking instagram account. I just want to see if there's an update about my favorite celebrities. Kasabay nang pag open ko ng aking data ay yun din ang pagdating ng isang text message.

A text message from that anonymous number.

Nag da-dalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ang message nya at babasahin o i di-direct ko nalang ito sa aking trash bin without reading the message.

Bloody Valentine - #R18 ∣✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon