[S] [A] [N] [A] [A] [L] [L]
[S]-salitang madalas kung mabasa marinig,
Madlas ko ring bigkasin.[A]-ang madalas kung gamitin bilang pagbati,
Pagpapahayag nang ika'y magaling.[N]-nasasabi dahil sa sayang nadarama,
Sayang may halong hiling.[A]-ang pagpuri na may halong ingit,
Pagnanais na sana ako din.[A]-ang salitang naging bukangbibig nang marami,
Sana, kay maraming sana gustong sabihin.[L]-lahat sana, sana lahat,
Tama bang hilingin na maging kagaya ka din nila ?[L]-lahat may sariling husay,
Alamin mo lang at paunlarin,
Wag mong hilingin naging kagaya nila, kapatid ikaw at may sariling galing,
Dahil iba ka at iba sila,
Magaling ka, makuntento ka na sana.