ISANG ARAW PA!

10 3 0
                                    

I S A N G A R A W
P A!

Isang araw ika'y nakilala nakasundo,
naging magkaibigan bago matapos ang araw,
mga problemang di ko dapat sabihin at Gawin na Lang lihim,
pilinili kong sahibin sayo
kahit di ko pa kilala kung ikaw ay sino?
Nagtitiwala ako sayo ng buong buo.

Isang araw ako'y nagising na lang nasa tapat ka ng aming bakuran,
sabi mo pa ay aari ko bang ikaw ay aking ligawan?
naghalo-halo emosyong matagal ng tinago,
sabi ko sayo oo, ligawan mo ko.

tumagal ang mga araw hanggang sa ang puso'y hanap na ay ikaw,
sa pagising sa umaga hahanapin na agad iyong presensya,
isang chat mo pa lang araw ko'y buo na.

Ganito pala ang magmahal yung tipong habang tumatagal,
ayaw ko ng mawala ka kaya't ayun binigay ko na matamis na oo,
yun naman talaga ang nais mo ang maging tayo.

Masaya naman ang pagsasama kaso nga lang nakakapagod pala,
nakakapagod palang intinidihin ang lahat lalo pag nandiyan na yung mga problema,
pag oras ang kalaban lagi tayong nagtatalunan,
di na tayo nagkakaunawaan.

Isang araw,minulat ang mga mata,
nadatnan kitang kausap sya,
sino bang mas matimbang sayo yung nakaraan mo o akong narito?
tinanong kita mahal mo pa ba? o hindi? na kasi di na kayo pwedeng dalawa?

Nung nakaraan lang tayo naghiwalay tinapos ang lahat,
tinapon na para lang walang saysay,
wala na yung salitang tayo na pinaghirapan mo,
sayang yung pagmamahal na binigay sa isa't isa na nauwi lang sa salamat sa lahat malaya ka nang mahalin sya o kahit sino pa.

Ngayon ako'y narito sa tapat ng bahay mo,
humihiling ng isang araw pa sa salitang tayo,
pagbigyan mo naman akong ibuhos lahat ng aking pagmamahal sayo,
pakinggan mo lahat ng aking mga sasabihin wag mo akong paalisin,
samahan mo ko sa lahat ng ating gustong marating,
isang araw pa ang aking hiling,
maari bang limotin natin ang sakit kahit bente kwatro oras lang at hilomin mo itong sakit kahit panandalian lang,
gusto kitang makasama kahit isang araw pa.

Pangako, Ito ang huling araw na ako'y makikita mo pa,
mundo'y lilisanin ko na kaya't pagbigyan mo ko ng isang araw pa.

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now