PARANG TAYO PERO HINDI

20 3 0
                                    


"Parang tayo pero HINDI"

Sa dilaw, sa pula, sa asul
Mga kulay na pwedeng magbigay buhay
Ngunit IKAW ang aking kailangan
Upang magkakulay ang buhay kong walang kulay

Ikaw at ako para mabuo ang tayo nganit,
Teka!Meron nga bang tayo? O merong kayo?
Yung tipong mahal kita tas mahal nyo ang isa't isa.
Simulan na natin ang pagpili kahit sayong pamimilian ay di ako kasali.

Kailan man di ako makakasali
Sapagkat sayong puso ako nga bay ano??
HAHA oo nga pala magkaibigan lang taayo
Att yun na ang ating dulo

Sa dilaw,  na kung saan tayo'y magkaibigan
Magkasama nga ngunit puso naman ay di iisa.
Ngunit ang ilan ay may katanungan.
Tayo nga ba ay magkaibigan lang o baka mag-kaibigan.
Tanong na ating tinatawanan na lang dahil di rin natin alam ang kasagutan.

Punta naman tayo sa pula na simisimbolo ng pagmamahalan
Sa pula,kung saan ang tayong dalwa ay bumuo ng mga ala ala
Mga pagsasamang kasing tamis ng kending ating paborito
Ngunit wala ng mas tatamis kung ika'y mapapasakin talaga

Madalas  man tayong mapagkamalang mag jowa.
Pero ang totoo SALITANG TAYO AY WALA
Sapagkat tinitibok ng puso mo ay SYA
At imposibleng maging AKO

IMPOSIBLE sapagkat sayo'y ako'y kaibigan lang
Di tayo aabot sa salitang magkasintahan
Sapagkat ang tinitibok ng puso mong pihikan
Sya lang, ata wala ng iba

Tara na lang sa Asul,  na mahahalintulad sa karagatan
Sa kung gano kalawak ito ay ganon rin ang lawak ng pag-asang posibleng maging tayo
Ngunit gano pa man ito kalawak
Dadating din tayo sa dulo at yun ay KAIBIGAN LANG TALAGA AKO

PARANG TAYO PERO HINDI yan ang sabi sa atin ng mga
taong may alam
Ngunit di nila nalalaman na sayo'y akoy kaibigan lang
At sa wakas ako'y may matagpuang kulay na sa satin ay mas babagay

ITIM,na puno ng kalungkutan,lahat ng kulay ay binabagayan
Ngunit kulay itim satiy di bagay
Sapagkat ito ang nagapapatunay na di lahat binabagayan

Haha oo bagay pala tayo!!
Bagay ng maging kaibigan mo lang ako
Pero di aabot sa isiping posibleng maging tayo
Sapagkat HANGGANG KAIBIGAN LANG TALAGA AKO

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now