Iba ka! Iba sila!
Mahusay ka sa sarili mong paraan.
Kaya mo silang higitan.
Mga likha mong na siyang di matatawaran.
Wag mong hayaan na pati ikaw ay iyo nalang itong tapak tapakan.Magaling ka lagi mo yang tatandaan.
May ibat iba tayong kakayahan.
Kailangan lang natin na matuklasan.
Balang araw obra mo'y di na makakakitaan ng kapintasan.Iba ka,iba sila.
Wag mong ikumpara likha mo sa kanila.
Wag isipin na di mo iyon kaya.Alam ko kaibigan.
Lagi ko yang nararanasan.
Nais din ng kapurihan.
Ngunit aanhin ko ang papuri nila?
Kung alam ko sa sarili ko ginawa ko ang lahat ng kaya.
Masakit ikumpara gawa mo sa iba.Bilang isang makata,at manlilikha.
o kahit ano ka pa,
Di yan maiiwasan.
Pero di dapat yan ang iyong maging basehan.
Basta alam mong iyong ginalingan.
Sa opinyon nang iba wala ka na dapat paki alam.Pagpuna at papuri bonus na lang yan.
Oo,Masarap sa pakiramdam.
Pero di mo dapat ito kasanayan.
Dahil iba ka at ang iyong obra.
Sa mga gawa nila.