TARA, Luto Tayo!

80 7 0
                                    

TARA, LUTO TAYO!

Ginoo, marunong ka bang magluto?
Kung Hindi halika dito't samahan mo ako nang ika'y matuto
Marahil nang makita mo ang mga rekados ay alam mo na agad ang putakeng ating lulutuin.
Oo. Tama ka ginoo, Tayo ay mag aadobo.

TARA NA'T MAGSIMULA!

Una linisin ang manok, pagputul-putulin nang katamtaman ang laki.
Gaya sa pagmamahal kailangan yung tama lang at may malinis na hangarin.

Ilagay ang manok sa at timplahan ng asin, suka, kaunting tubig,dinikdik na bawang, at pamintang durog.

Asin na magbibigay lasa  sa kahit anong lutoin,pwedeng sabihin na asin ay parang pag-ibig  lang din nagbibigay ng kakaibang saya sa ating dalawa.

Suka na maasim dulot sa katawan'y kilig abot sa buto,gaya ng nararamdaman ko sa mga biglang banat mo.

Tubig,bawang at paminta, di na kailangang pagtuunan yan, pamintang durog para sa pusong kaniyang binurog, bawang na dinikdik para sa tiwalang sinisira paulit-ulit, tubig gaya ng mga luhang di mapigilang Kumawala
NGUNIT sa lahat ng yan IKAW ang kumuntra, sa pusong durog pinaltan mo ng buo, dating tiwalang sira inayos mo, luha'y pinunasan mo hanggang maubos at mapagod na ako.

Sempre di mawawala ang Toyo na magbibigay kulay, kadiliman ang hatid nito ngunit masaya akong nalagpasan natin ng magkasama tayo.

Ngayon atin na itong isalang, iintaying lumambot ang manok, gaya ng matiyagang paghihintay sa aking matamis na oo.

NGUNIT SA PAGLULUTO'Y DI PA TAYO TAPOS!

Nagpapainit pa tayo, ng mantika sa kawali.
Sagapin sa sabaw ang bawang ay papulahin sa mantika.
Naaalala mo noong ako pa sa lungkot ay lugmok, ika'y nagsilbing panandok upang sa mala sabaw kung luha ay makaahon,sa mga biro't pang aarasar saakin'y nagpasaya.

Ngayon manok ay ilagay,haluhaluin at intaying pumula.
Ibuhos ang sabaw na pinagpalambutan.
Lagyan natin ng Laurel, para bumango, gaya ng halikmuyak mo sa pangamoy ko.
Haluin at pag kumulo na ang aking ulo ay iyong hangunin ang mga salitang makakapag pakalma sa akin.

AYAN TAPOS NA ANG ATING ADOBONG MANOK

HALI KANA'T ITYO'Y  ATING PAGSALUHAN GAYA NG ATING PAGMAMAHALAN NA HANGGANG DULO.



LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now