"DI NA MAHAL"
Sa mundong mapang husga,
Puso'y sayo'y tumaya,
Di natin alintana ang sasabihin ng iba,
Basta't sa puso ko mahal kita.Paningin man nila'y sa atin'y tututok,
Basta puso ng isa't isa'y iisa ang tibok,
Masasayang ala alang pinagsaluhan natin ng magkasama,
Pangakong sabi mo'y di kaylanman'y di mapapako.Kay tagal na rin ng ating pagsasama,
Pagmamahalang parang walang katapusan ,
Ngunit lahat ng kwento may dulo.
Lahat ng pangngungusap may tuldok.At di Lahat ng salita nagtugtugma,
Kahit ang puso'y tugma,
Dahil pati ang pagmamahal mo'y nagbabago,
Tulad ng panahon sa ating mundo.Kaya nga di na ginoo ang minahal ko,
Sapagkat alam Kong sasaya ako sa piling mo,
Kaya nga di na ginoo ang minahal ko,
Ngunit nasaktan parin ako,
Akala ko di ka katulad nila,
Bagkus Iiwan mo rin pala.
Panahon'y Lumipas,
Pagmamahalang walang kasing kupas,
Ngunit gaya ng litratong magiging luma,
Unti unti naring sa atin ay may nabago na nga.Tratong mas malamig pa sa yelo,
Kausapin ako'y parang kay hirap para sayo,
Hanggang dito na lang ba, Ating pinaglabanan sa iba?.Dito na ba matatapos ang ating pagsasama?
Maraming pagsubok na ang hinarap,
Ngunit di tayo nagpatinag,
Kaya bakit ngayon pa?
Kung ka'ylan tayo'y tanggap na nila.Layo at di pagkikita lang pala sa atin bubuwag,
Kung kaya't di nakapagpigil at ako'y iniwang parang duwag,
Sa lahat ng pangako mo'y lahat nag-iba,
Tulad ng salitang bata na babawiin mo rin bigla.Salitang mahal mo ko
Ngayon'y isang birong di nakakatawa.