KUMPAS NG PLUMA

19 4 0
                                    

KUMPAS NG PLUMA

[dedicated to writers/poet]

Sa pagpitik ng iyong mga kamay,
mga letang bumubuo ng salita siyang kasabay,
sa pagkakabuo ng kwento iyong yaring buhay,
isang magandang obra ang iniaalay.

Isang obrang walang kapantay,
lahat sila'y tumutingala't tulo na ang laway,
ikaw ay manunulat na matagumpay,
nasa iyo ang buong pagpupugay.

Sa bawat sakit na iyong hatid,
isang daang puso ang iyong napapatid,
sa bawat storyang ipinababatid,
isang daang mambabasa ang ika'y dama,
maraming suliranin naman ang sayo'y tumama,
nawa'y bumaangon ka't sa Diyos ama magtiwala.

Sa daang-daan manunulat ang nagpapakilala,
itong iyong obra parin ang paborito ko sakanila,
libo-libo mang paninira ang sabihin nila,
di mababago ang katotohanang manunulat ka,
sa pagkumpas ng iyong pluma,
kasabay ng paglaban sa mga problema,
manunulat ka kahit anong pangungutya nila.

Sa bawat sayaw ng pluma sa papel na syang intablado mo,
isang manunulat na may sariling istorya ang nagpapagalaw sa pluma,
isang manunulat na di sikat ang hanap kung di ibsan ang sakit na araw-araw hinaharap.

Tuloy lang ang tugtog,
ang pluma mo'y isabay sa indayog,
lumaban ka't wag mapapagod,
Kasama mo kami patuloy na lalaog sa mundo ng sining at panitikan.

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now