PANAGINIP

15 3 0
                                    

PANAGINIP

Sa pagsapit ng gabi,
unting unting maririnig makikinang hikbi,
luha'y di na papipigil pa sa pagsasabi,
sayong kalingan tunay na sasabik.

Nais na sa piling ko ika'y bumalik,
maramdaman muli ang iyong halik,
mga yakap mo't gimik,
o diyos sa amang nasa langit,
sya'y sa akin iyong ibalik
kahit sa isang panaginip.

Nais kang hagkaan sa muling pagkakataon,
nais kong ipadama kung gaano ako kasaya na naging tatay kita,
nais kung sabihin na maaring ikaw diyan sa lupa nakabaon,
ngunit dito sa isip at puso ko nanatili at mananatili.

mga payo mong sa akin ay inspirasyon,
mga salita mong mala gulok kung saakin itaga,
pero alam kong para sa akin din itong iyong mga salita.

sa isang idlip
isang panaginip
lpanaginip kung saan kita at tunay ang saya
panahon na wala pa tayong problema,
kung saan sakit di mo pa iniinda,
kung saan lahat ay ayos pa.

ngunit lahat may hanggan,
kahit ang buhay na sa atin pahiram lang,
ako'y nagising sa panaginip kung saan nandun ang kaharinang kaysaya,
kung saan ang hari'y buhay pa.

Amang hari ng aming palasyo,
nawa ika'y nakaraing sa paraiso,
lahat ng plano natin tutuparin ko,
mga aral mo mananatili sa akinh puso,
mahal na mahal ka namin papa ko.

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now