MASAYA AKONG MASAYA KA!

17 4 0
                                    

"MASAYA AKONG MASAYA KA"

Masayang ala-ala,
binuo nating magkasama,
pagmamahalang walang kupas,
problema'y satin lumipas.

Ngunit mahal, suko na ako,
'di na kita mahal at sumusuko,
humanap ka na lang ng iba,
yung di ka sasaktan gaya ko.

Patawad mahal ko,
Nagiging makasaliri ako,
Pagdating sayo,
Damdamin mo lang naman ang inaalala ko.

Sa akin ay hindi rin madali ito,
masakit man sa kalooban ko na ika'y bitawan,
ngunit kakayanin ko alang alang sayong kaligayahan.

Mahal pasensya na,
'Di ko ito gustong mangyari
Ngunit di natin hawak ang ating tadhana,
Mahal,  bilang na araw ko sa mundong ito,
Makita kang masaya sa piling ng iba,
Ay aking ikakasaya.

Sana di mo ako malimutan,
Sana makahanap ka ng hihigit pa sa akin.
Mahal,  wag ka nang magalinlangan pa,
Kaya ko kahit masakit sa matang nasa piling ka ng iba.

Sa huling paghinga,
Nais ko sanang maramdam ang iyong yakap,
May nais din akong sabihin,

Mahal, mamahalin mo sya ng higit sa ipinaramdam mo sa akin,
Tuparin mo lahat ng pangako mo sa akin,
Sa kanya. Mahal na mahal kita

(Sometimes saying i love you is not enough to make someone to stay in your side, even they want to stay, sometimes letting someone you love to be happy with other is not that bad too.)

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now