KUNG AALIS KA

11 4 0
                                    

KUNG AALIS KA

Kung sa paglubog ng araw ay siyang iyong paglisan pagtulog ay akin na lang ipagliliban,
nanaising ibigay sayo ang lahat ng oras't di aalisin ang mga tingin sayong mga mukhang sakin nagbibigay ngiti.
Kung sa paggising ko'y mawawala ka, 'di na lang ako gigising kesa makitang sa aking tabi'y wala.
kung sa isang kurap ko lang ay mamaalam ka na ay mananatiling  mulat na lang  at sayo ay nakatingin.

Mahal, ayaw kong maiiwan nagisa dito  sa mundong binuo nating  dalawa,
Samahan mo ako dito hanggang dito gaya ng pangako mo.
Mahal, wag kang ganiyan, wag kang lumisan ng walang pagpapaalam.
Mahal naman  bumalik ka dito harapin mo naman ako ng buong tapang.

Tingnan ako sa mga mata't sabihin ang dahilan ng iyong paglisan, ako ay makikinig at uunawain  ka.
Kung nais mong  mapag-isa hahayaan kita pero kung nais mong  sa akin'y kumawala. Mahal pasensya ka na pero di ko pa yan kaya.

Sa bawat pagbilat ng mata iniisip kong ayos ka lang ba?
Di ka nawawala dito  sa isip ko't nasasaktan ang pusong walang magawa kundi tanawin ka sa malayo at humihiling na sana'y kayanin mo lahat ng problema mo.

Kung aalis ka, sabihin mo maiintindihan ko, pipilitin kong lumayo muna para makapag isip ka tungkol  sa sarili mo.
Kung aalis ka, pakiusap sabihinan mo ko para masulit ko ang kaunting  panahon.
Sabihin mo kung huli na ito...

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now