K. I. B. I. G. A. N. K. I. T. A.?

18 4 0
                                    

K.A.I.B.I.G.A.N  K.I.T.A.?

K-kaibigan ba kitang tunay, kung sa pagtalikod ko'y mga salitang parang matalim ang iyong itinatarak sa akin?

A-akin ka nga bang kaibigan, kung sa kagipitan ay saka lang ako lalapitan?

I- iyong mga salitang binibitawan ba ay tunay o ako lamang ay iyong pinasasakay?

B-binitawang bang mga pangakong sa atin ay walang magbabago'y totoo?

I-ibinahagi bang mga problema at saya ay isa lamang palabas upang simpatya ko'y iyong mahuka?

G-ginawa at binuong mga ala ala ay iyong pinahahalagahan o ito ay balewala lang?

A-ako ba ay iyong tinuring kaibigan o kinaibigan lang dahil sa kasikatan at ika'y saakin ay may kailangan?

N-ngayon tinatanong kita. KAIBIGAN BA KITA? O...

K-kaibigang kunwari at sa huli ako rin ay....

I-iyong iiawan at sasaktan?

T-tanong na may simpleng sagot na oo at Hindi, walang kailangang ipaliwanag pero bakit parang ito'y ang hirap mong sagutin?

A-alinlangan ka pang sinabi ang 'OO KAIBIGAN MO AKO'.Sa huli ako parin ay naniniwala sayo, sana lang ika'y nagsasabi ng totoo dahil isang beses lang akong magtanong at kailangan ko ng isang tunay at tapat na sagot mo.

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now