D. I. S. K. R. I. M. I. N. A. S. Y. O. N

38 6 0
                                    

D.I.S.K.R.I.M.I.N.A.S.Y.O.N

•[D]- Di mawawala sa lipunang ginagawan,
di pantay na pagtingin,ingitan,
tila lahat ng tao'y iyong kalaban
na kailangan mong taasan.

•[ I ]-Iwasan man pero sadyang di mapipigilan,
pang-huhusgang pang-malakasan,
sabihin man na ika'y walang pakialam,
pero di mo mapigilang may maramdaman.

•[S]-Sa pag-iibigan nga,dapat mayaman sa. mayaman, mahirap sa mahirap
yan daw ang mas bagay at mas dapat,

•[K]- katarungan di mo daw makakamtan,
kung kalaban mo'y mayaman,
parang pader iyong bubuwagin,
at ika'y di mananalo,laging uuwi ng talunan.

•[R]-rasong kailan man di ko maintindihan,
nang dahil ika'y buhay kalabaw?
kakayahan at karunungan dapat din mababaw?,
istado ba ang nagsasabi ng iyong kaya,
at tao ba ang dapat magsabi kung ano ang sayo'y nararapat?

•[ I ]-Itsura naman atin pag-usapan,
isa pang dapat di pagbasehan,
ganda ay nasa kalooban,
wala sa ganda ng hubog ng katawan,
at ganda ng mukha pangmalakihan.

•[M]-maganda lang,respetado na,
pag-pangit na,kontrabida na,
mukha ka pa nga daw basura.

•[ I ]-iyong tingyan ang kabutihan nasa loob,
di lang dapat sa kahalihalinang mukha.

•[N]-Ngayon mapababae o lalaki,
hilig na ang sa kapwa magmalaki,
kahit ang iba ay wala namang paki.

•[A]- Ang iyong panghuhusga,
sinasabi ko sayo diyan ka magdudusa,
pangmamaliit mo,
yan magpapabagsak sayo.

•[S]- Sakaling isa ka sa mga inaalipusta,
ano kaya iyong madarama?
iyo kayang maintindihan kanilang kanilang mga hinaiyin.

•[Y]-Yaong dalangin,
magbago iyong pagtingin,
iyong baluktot na paniniwala,
nawa'y maituwid

•[O]- o kung isa ka sa mga nahusgahan,
nawa di ito maging dahilan,
para ika'y panghinaan,
sanagawing mo na lang sandata mga pang aalipusta nila.

•[N]-nawa kahit minsan ika'y matutung lumaban,
at sa kanila'y patunayan,
na di ka dapat apak apakan,
dapat ikaw rin ay igalang.

~🍂

[stop judging, you don't know what the Whole story is!]
[stop judgment it never will never take you up!]
[love and respect as what you want other people do to you!]

LIHAM PARA SAYOWhere stories live. Discover now