Chapter 1

997 34 2
                                    

I'm Althea, 28years old. I was six years old when my parents as well as my younger brother brutally killed in front of me. Naalala ko pa kung paano ako pilit na itinago ng mommy ko sa closet para lang makaligtas, naalala ko pa ang bawat iyak ng bunso kong kapatid na noon ay 3years old pa lamang, naalala ko pa ang pagmamakaawa ni daddy na siya na lang ang patayin ng mga ito wag na idamay ang mommy ko at kami ng kapatid ko. Nakaligtas nga ako sa malagim na sinapit na pamilya ko ngunit nanatali nakabaon sa isip ko ang kagustuhang makaganti. I was eight years old noong may mag-ampon sakin at dalhin ako sa ibang bansa. Isang mag-asawa na matagal ng 'di nagkakaroon ng anak, ngunit makalipas ang tatlong taon ay biniyayaan din sila ng sarili nilang anak, si Stephanie ang nakababata kong kapatid. Naging close naman kami sa isa't isa ni Stephanie kahit hindi kami totoong magkapatid.

I was 25years old ng mag decide akong bumalik na sa pilipinas upang simulan ang plano ko na paghigantihan ang mga pumatay sa pamilya ko. Ginamit ko ang aking ganda at talino upang mahanap sila, but unfortunately matagal ng nabuwag ang gang na nasa likod ng pagpatay sa pamilya ko. But I never give up, until I met Lawrence. Isang freelance Model at Chef.

“Why you look so sad?” tanong sakin ni Lawrence.

“Never mind.” sagot ko at saka pilit na ngumiti.

“Alam ko na para kahit papano gumaan ang pakiramdam mo. Isasama kita sa bahay kakauwe lang kasi ni Daddy galing Europe, at gusto ko ma-meet niyo ang isa't isa.” nakangiting pagkakasabi ni Lawrence.

Kinabukasan nga ay sinama ako ni Lawrence sa bahay nila.

“Good Afternoon Sir.” bati ng kasambahay nila Lawrence.

“And'yan ba si Daddy?” tanong ni Lawrence.

“Ay wala si Don Rodolfo, umalis siya kanina pa. Pero baka mamaya uuwe din po yun Sir.” sagot ng kasambahay.
“Ganun ba, sige intayin nalang namin si Daddy. Manang, pwede pahanda ng Juice.” utos ni Lawrence. Agad naman sumunod ang Kasambahay nila.

“Don't worry, mamaya darating na yun si Daddy, baka may inasikaso lang.” nakangiting pagkakasabi ni Lawrence.

“It's ok” maikling sagot ko habang nililibot ang tingin ko sa mga picture frame na naka-display.

Wala pang ilang sandali ay dumating na nga ang daddy ni Lawrence. He looks so familiar to me. Tama, nakita ko na nga siya noon, isa siya sa pumatay sa family ko.

“Althea, meet my Dad.” nakangiting pagkakasabi ni Lawrence.

“Hmmm Dad, siya si Althea kaibigan ko.” pagpapakilala naman sakin ni Lawrence sa daddy niya.

“It's nice to finally meet you, Althea.” nakangiting bati ni Don Rodolfo.
“Me too.” sagot ko.

“Nagpahanda ako kay Manang Isabelle ng pagkain kanina bago ako umalis kasi nabanggit sakin ni Lawrence na may ipapakilala siya sakin. Kaya't halika kayo kumain na muna tayo.” pag anyaya ni Don Rodolfo.

——

“Taga saan ka nga pala Althea?” tanong ng Don Rodolfo.

“Quezon City.” tipid kong sagot.

“Medyo mahiyain pala 'tong kaibigan mo anak.” pagbibiro ni Don Rodolfo.

“Ganyan talaga siya Dad, pero mabait yang si Althea. Para nga yang anghel sa sobrang bait.” pagbibida ni Lawrence.

“Ang parents mo, kasama mo rin ba sila?” tanong ulit ni Don Rodolfo
Nang mga sandaling iyon bigla ako natahimik, tila nagbalik sa alaala ko ang sinapit ng magulang at kapatid ko noong anim na taong gulang pa lamang ako.

“Nasa Italy sila.” sagot ko.

“Mamaya na yan kwentuhan Dad, Althea kumain na muna tayo.” sabat ni Lawrence.

——

Nang matapos kumain at magkwentuhan ay nagpaalam narin ako na uuwe na ako. Ihahatid sana ako ni Lawrence pero nagpasiya ako na ako nalang uuwe mag isa dahil kaya ko naman.

“I'm so glad na meet ko ang babaeng lagi kini-kwento ng aking anak sakin.” nakangiting pagkakasabi ni Don Rodolfo.

“Ako rin, masaya ako na sa wakas nakita ko rin kayo.” sarcastic kong pagkakasabi at saka sumakay ng kotse.

——

Pag dating ko sa bahay ay agad na nag-ring ang phone ko, si Stephanie tumatawag.

“My goodnes, Althea kanina pa kita kino-contact.” bungad ni Stephanie.

“Sorry, medyo busy lang. Bakit ka nga pala napatawag?” tanong ko.

“I have a good news.” masayang pagkakasabi ni Stephanie.

“Ano yun?” curious na tanong ko.

“Kami na ni Jefferson, sinagot ko na siya.” kinikilig na pagkasabi ni Stephanie.

“Jefferson? You mean yung classmate mo noong college?” tanong ko.
“Oo. siya nga.” kinikilig na pagkasabi ni Stephanie.

“I'm so happy for you Steph.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Thank you, oh sige baba ko na 'to. Busy ka yata eh. Tawag nalang ako ulit mamaya.” saad ni Stephanie at saka nag end call.

——

Ilang araw ko minanmanan ang bawat kilos ni Rodolfo, hanggang sa makahanap ako ng perfect timing. Sinundan ko ang kotseng minamaneho ni Rodolfo hanggang sa makarating sa isang Casino.

Inabangan ko ang pagbaba niya sa kanyang kotse sa parking lot. Nang makababa na siya ay agad ko siyang pinuntahan.

“Do you want to play a game?” bulong ko sa tenga niya.

Habang nakatutok sa sintido niya ang 45 Caliber na baril na hawak ko ay kinuha ko ang panyo sa pouch ko at saka inutusan siya na gamitin yun as blind-fold. Matapos yun ay tinalian ko ang kamay niya ng lubid saka pilit na pinasakay sa kotse. Dinala ko sa isang lugar kung saan walang makakakita at makakarinig samin.

“Who are you!” nang gigil nitong pagkasabi.

“Let's say, nagkakilala tayo 22years ago.”  bulong ko sa tenga niya.

“Nakalimutan mo na ba? Yung pagpapahirap ng ginawa niyo sa pamilya ko? Kasi ako, hinding hindi ko yun makakalimutan.” galit na galit na reaction ko.

Agad ko kinuha ang blade at saka hiniwa sa pisngi niya na letrang 'A'. Halos mamilipit siya sa sakit.

“Wala akong alam sa sinasabi mo.” pag mamatigas nito.

“Kitang kita ko lahat ng pangyayari ng gabing yun. Wag ka mag alala, papatakasin naman kita kung sasabihin ko sakin kung nasaan ang dating leader niyo na pumatay sa mga magulang ko, gayundin ang iba pa niyang tauhan na kasabwat sa pagpatay.” saad ko habang sinusugatan ng blade ang braso niya.

“Matagal na akong walang balita sa kanila.” saad nito habang namimilipit sa hapdi.

“Ok sabi mo eh.” maikling pagkakasabi ko saka tinanggal ang blind-fold niya.

“A-althea?” gulat na gulat na pagkasabi nito.

“Hi.” tipid na pagkakasabi ko at saka siya binaril sa paa, sa tiyan, sa puso, at limang beses sa ulo.

Iniwan kong naliligo sa sarili niyang dugo ang katawan ni Rodolfo.

Althea's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon