Chapter 7

147 10 0
                                    

—3months later—

—ALTHEA POV—

Sa loob ng tatlong buwan ang dami ng nagbago. Mas naging close narin kami ni Hector, samantalang si Stephanie ay nakabalik na sa US.

“Anong ginagawa mo dito?” agad na tanong ko kay Hector ng makita siya labas ng condo unit ko.

“Gusto sana kita yayain na mag coffee. Kung ok lang sayo.” nakangiting pagkakasabi ni Hector.

“Ok, magbibihis lang ako. Intayin mo nalang ako sa baba.” sagot ko at muling sinara ang pinto.

<Coffee Shop>

—HECTOR POV—

Masaya kaming nagki-kwentuhan ni Althea ng mabaling ang attensyon niya sa lalakeng kadadaan lang.

“Bakit?” nagtatakang tanong ko.
Hindi siya sumagot at agad na tumayo pagkatapos ay lumabas ng coffee shop para sundan ang lalake.

“Uy Althea saan ka pupunta?” sigaw ko.

—ALTHEA POV—

Nang mapansin ko ang lalakeng dumaan agad ko nga itong sinundan. Hindi ko siya sinundan ng dahil sa gusto ko lang. May nakita akong tattoo sa kaliwang braso niya, ang tattoo na yun ay kaparehas sa tattoo nila Rodolfo, Arthur, Gregorio at Aubreigon.

Pasimple ko siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa isang eskenita. Pumasok siya sa isang pintuan, natatabunan ang pintuan ay natatabunan ng mataas na damo kaya hindi ito napapansin ng sinuman.
Ganun na lamang ang aking pagkabigla ng makita si Daddy, oo si Daddy na siyang nag adopt sakin when I was 8years old.

Nang makita ko siya hindi na ako nagdalawang isip pa na patayin siya. Mabilis ko kinuha ang baril sa handbag ko saka kinasa ito, kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng baril ko ng biglang may pumigil sakin, si Hector. Mabilis niya akong hinila palabas ng hide out na yun.

“Ano ba bitawan mo 'ko!” inis na pagkakasabi ko kay Hector.

“Hindi ka ba talaga nag iisip Althea? Kapag pinatay mo si Melchor sa lugar narin pwede karin mapahamak. Nakita mo ba kung gaano sila karami sa loob? At ikaw nag iisa ka lang.” paliwanag sakin ni Hector.

“Kilala mo si daddy? I mean si Melchor?” nagtatakang tanong ko.

“Si Melchor ay isa sa mga naka-transaction ni Boss Jio noon.” seryosong pagkakasabi ni Hector.

“Kung siya ang nag adopt sayo mas madali mo magagawa ang plano mo. Pero wag ka masyado magpapadala sa bugso ng galit mo. Pag isipan mo mabuti ang mga susunod na hakbang mo.“ dagdag pa ni Hector.

Sa sinabing yun ni Hector ay tila napaisip ako. He has a point, hindi dapat ako masyadong nagpapadala sa bugso ng galit ko.

——

The next day, bumisita ako kila Eunice.

“So, you mean yung nag adopt sayo. Siya talaga ang mastermind sa pagkamatay ng parents mo?” gulat na reaction ni Eunice.

“For 22years, hindi ko inakala na kasama ko na pala sa bahay ang taong matagal ko ng gustong paghigantihan.” seryosong pagkakasabi ko.

“So anong susunod mong plano?” tanong ni Jio sakin.

“Uunahin ko ang anak niya, saka ko isusunod ang asawa niya.

Ipaparamdan ko sakanya kung gaano kasakit ang mawalan ng pamilya.” naiiyak sa galit na pagkakasabi ko.

“Si Stephanie? Pero hindi ba sobrang bait sayo ng kapatid mo?” anya ni Eunice.

“Anak parin siya ng taong mastermind sa pagpatay sa pamilya ko. Kaya wala na akong pakialam kung naging mabuti man siyang kapatid sakin. Hindi simula ngayon, hindi na isang kapatid ang turing ko sakanya kundi isang kaaway.” seryosong pagkakasabi ko.

Althea's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon