Chapter 3

219 21 0
                                    

—EUNICE POV—

Nang makaalis na si Althea, kami naman ni Jio ang nag usap.

“I feel sad for her. Naging victim ng massacre ang family niya.” malungkot na pagkakasabi ko kay Jio.

“So, anong gusto mong gawin natin?” seryosong tanong ni Jio habang magtabi kami naka-upo sa sofa at hawak niya ang kamay ko.

“Let's help her. Tulungan natin siya na makaganti sa pumatay sa pamilya niya. Jio alam ko, kahit hindi kana Mafia Boss marami ka parin connection na pwede makatulong kay Althea.” seryosong pagkakasabi ko.
“Hindi ko gagawin yan.” agad na sagot ni Jio.

“Kung ayaw mo, ako mismo ang tutulong kay Althea.”

“No! hindi ako papayag. Ayaw kong madamay ka sa gulo ng iba. Ayaw kong mapahamak ka.” agad na sigaw ni Jio.

“Hindi lang naman ito ang unang beses na naging involved ako sa gulo ng iba. Naalala mo noong minahal kita? Naging involved din ako, pero sa huli tayo parin naman diba?” sagot ko.

“Please Jio. Payagan mo na 'ko. Payagan mo na 'kong tulungan si Althea.” pakiusap ko kay Jio.

Ilang saglit ako tinitigan ni Jio.

“Sige, tutulong narin ako. Tatawagan ko narin si Hector. Papuntahin mo dito si Althea bukas.” sambit ni Jio.
“Salamat.” nakangiting pagkakasabi ko saka niyakap si Jio.

—ALTHEA POV—

Kinabukasan nga ay pinapunta ako ni Eunice sa Cassa Dollente, ang mansion na isa daw sa pagmamay ari ng asawa niyang si Jio.

<Cassa Dollente>

“Nabanggit sakin ni Eunice, yung nangyari sa pamilya mo. Kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang.” seryosong pagkakasabi ni Jio.

“Salamat pero kaya ko ng tapusin ang nasimulan ko.”

“Bakit kasi hindi kana lang pumayag sa offer ni Boss.” sabat ni Hector.

“Manahimik ka hindi ikaw ang kausap ko.” mataray na pagkakasabi ko.

“Althea, wala naman masama kung tatanggapin mo yung alok namin sayo. Mas magiging madali kasi para sayo na makapaghiganti ka para sa mga taong pumatay sa family.” malumanay na pagkakasabi ni Eunice.

“Nagawa ko ng patayin ang isa sa mga kasabwat sa pagpatay sa family ko ng hindi humihingi ng tulong sa kahit na sino.” mariing pagkakasabi ko.

“Althea, para din sa proteksyon mo.” pagpupumilit ni Eunice.

Masyadong mapilit sila Eunice kaya sa huli ay pumayag narin ako.

——

“Ito ang mga background ng ilan sa mga kilalang gang na naka transaction ko noong Mafia Boss pa 'ko. Nand'yan lahat ang miyembro nila, simula sa boss hanggang sa mga tauhan.” sambit ni Jio sabay abot sakit ng limang brown envelope.

Pagkakuha ko ay isa isa ko nga itong binuksan.

“Yan ang gang na pinamumunaan ni Aubreigon. Ang gang na sangkot sa illegal drugs, prostitute at human trafficking.” sambit ni Jio.
Habang pinagmamasdan ang mga litrato ni Aubreigon, napansin ko ang salitang 'kill' na tattoo sa kanyang braso.

Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko nga 'to noon. Tama, siya ang pumatay sa nakababata kong kapatid.

“Yan naman ay si Arthur, Rodolfo at ang isa ay si Gregorio. Silang tatlo ang malapit na tauhan ni Aubreigon.” pagki-kwento ni Jio.

“Si Rodolfo, nakilala ko na siya. In fact, I already killed him.” sambit ko.

“Ang gusto kong malaman, saan ko pwede makita sila Aubreigon, Arthur at Gregorio?” seryosong tanong ko.

“Si Aubreigon ay madalas nasa Night Club, si Arthur at Gregorio ay laging nasa Casino.” sambit ni Jio.

“Sila ba ang pumatay sa pamilya mo?” tanong ni Eunice.

“Ilan lamang sila, dahil higit pa sa sampo ang pumasok sa bahay namin ng gabing yun.” seryosong sagot ko.

“Nagsisimula ka palang naman, hindi magtatagal malalaman mo rin kung sino sino pa ang sangkot sa pagpatay sa pamilya mo.” sabat ni Hector at tinignan ko lamang siya.

——

—EUNICE POV—

“Salamat ha.” nakangiting pagkakasabi ko kay Jio ng makauwe na kami ng bahay.

“Alam mo naman na lahat gagawin ko masunod lang yung gusto mo, kahit labag sa kalooban ko.” seryosong pagkakasabi ni Jio.

“Mommy, Daddy bakit ngayon lang kayo umuwe?” tanong ng four years old naming anak ni Jio na si Michael.
Agad naman kinalong ni Jio si Michael.

“Kasi baby, may pinuntahan lang kami ni Dadddy. Tinulungan kasi namin ang new friend ni mommy at daddy. Remember tita Althea?” nakangiting pagkakasabi ko kay Michael.

“Ok lang po ba si Tita Althea? Kasi kanina parang ang lungkot niya po eh.” tanong ni Michael.

“Yes baby, Tita Althea is fine. Namimiss lang niya ang baby brother niya.” sagot ko.

“Buti po siya may baby brother ako wala.” malungkot na pagkakasabi ni Michael.

Kaagad nga napatingin sakin si Jio.

“Gusto mo baby, magkaroon kana rin ng baby brother or sister?” nakangising tanong ni Jio kay Michael.

“Opo Daddy.” masayang sagot naman ni Michael.

“Mommy, paano ba yan? Gusto na daw maging kuya ni baby Michael.” nakangising pagkakasabi sakin ni Jio.

—ALTHEA POV—

10PM na ng ihatid ako ni Hector sa condo unit ko.

“Ang sabi ko naman sayo wag mo na 'kong ihatid. Bakit ba ang kulit mo?” inis na pagkakasabi ko kay Hector.

“Ikaw, bakit ba ang sungit mo? Ikaw na nga 'tong hinatid. Ikaw pa galit.” sagot naman ni Hector.

“Hindi na ako magtataka kung bakit kahit ang ganda mo wala kang boyfriend kasi ang sungit mo.” pang aasar ni Hector.

Agad ko naman tinutok sa ulo niya ang baril na hawak ko.

“Isang salita mo pa, hindi kana talaga sisikatan ng umaga.” pagbabanta ko.

“Mark my words Althea, mai-inlove karin sakin.” nakangising pagkakasabi ni Hector.

“Gwapo ka nga, pero hindi kita type.” inis na pagkakasabi ko.

Althea's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon