—ALTHEA POV—
Makalipas lang ang isang buwan, saka ko naman sinimulan ang plano kong pagpatay kay Melchor.
Naglakas loob na akong puntahan siya mismo sa hide out nila.
Kitang kita ko ang pagka-gulat niya ng makita niya ako.
“Althea, anak. Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang lugar na 'to?” nagtatakang tanong ni Melchor.
“Wag na wag mo 'kong tatawaging anak. Dahil kailangan hindi ako nagkaroon ng amang kagaya mo.” nanggigigil sa galit na pagkasabi ko.
Agad akong tinutukan ng baril ng mga tauhan niya. Pero inutos niya sa mga 'to na ibaba ang hawak nilang baril at umalis muna. Agad namab nagsi-alisan ang mga tauhan niya at kami nalang naiwan.“Ngayon, alam mo na ba ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay? Masakit diba?” sambit ko habang nakatutok sakanya ang baril na hawak ko.
“Ikaw ang pumatay sa mommy mo at sa sarili mong kapatid?” gulat na reaction ni Melchor.
“Hindi ko sila kaano ano. Pero nagpapasalamat ako dahil inampon niyo 'ko. At least hindi na ako nahirapan na makaganti. Kasi for 22years, kasama ko na pala sa iisang bubong ang taong sumira sa pamilya ko.” galit na pagkakasabi ko.
—EUNICE POV—
Naglilinis ako ng mga laruan ng anak namin na si Michael ng may makita akong isang brown envelope sa ilalim ng sofa.
Agad ko 'tong binuksan, at nakita ko nga ang larawan ng isang masayang pamilya. Pero ng pagmasdan ko ang bata sa picture, si Althea yun noong 3years old palang siya. Dahil minsan niya pinakita sakin ang picture niya nooong bata pa siya.
Pero bakit kasama niya sa picture si Melchor, gayung inampon siya ng mga 'to noong 8years old na siya.
Dali dali ko nga yun pinakita kay Jio.
“Saan mo nakita 'to?” nagtatakang tanong ni Jio.“Sa brown envelope nasa ilalim yan ng sofa.” sagot ko.
“Ito yung isa sa mga brown envelope na binigay ko kay Althea na hindi nabuksan.” sagot ni Jio.
“Eh pero bakit kasama niya sila Melchor at Elizabeth sa picture? 3years old palang d'yan si Althea. Pero inampon siya ni Melchor noong mag 8years old siya. 2years after mamatay ng family niya.” nagguguluhang pagkasabi ko.
“Hindi kaya, totoo ang narinig kong sinabi ni Melchor noon.” sagot ni Jio.
—Flashback: 16years ago—
“Mabuti boss, nabawe mo na ang unika iha mo sa mga taong dumukot sakanya.” rinig kong sambit ni Arthur.
“Kung nagawa nila sakin itago ang anak ko ng taon, pwes nagkakamali sila.” seryosong pagkakasabi ni Melchor.
“Pero parang na-trauma yata si Althea dahil nakita niya ang pag patay natin sa mga dumukot sakanya.” sabat naman ni Rodolfo.
“Kaya simula ngayon, ayaw ko ng ibabalik o pag uusapan pa ang nangyari ng gabing yun.” seryosong pagkakasabi ni Melchor.
—End of Flashback—
“Kung gayon, kailangan agad malaman ni Althea na totoong tatay niya si Melchor.” sambit ko.
Agad nga namin binilin muna si Michael sa yaya niya. Pagkatapos ay agad kami pumunta sa bahay nila Althea pero wala siya doon.
Kaya naman tinawagan na namin si Hector.—ALTHEA POV—
“Anak ibaba mo yang baril na hawak mo. Makinig ka sakin.” pagmamakaawa ni Melchor.
“Ako? Maawa sayo? At bakit? Sino ka para kaawaan ko?!” nakangising pagkakasabi ko.
Nakita kong napaluhod na si Melchor sa harapan ko, habang nagmamakaawa sakin.
“Althea wag mo 'tong gawin sakin. I'm your dad.” sambit ni Melchor.
“Hindi kita tatay. Hindi tayo magkaano ano.” galit na pagkakasabi ko.
Agad kong kinasa ang baril na hawak ko saka tinutok sa noo niya.
Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng biglang dumating sila Eunice.“Althea wag!” sigaw ni Eunice at agad naman akong lumingon sakanya.
“Anong ginagawa niyo dito? Pwede ba umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan dito.” sigaw ko.
“She's your real dad.” sambit ni Eunice.
“Wala akong panahon para makipagbiruan sayon.” seryosong pagkakasabi ko at saka apat na magkakasunod kong binaril sa ulo si Melchor hanggang sa tuluyan siyang bumagsak.
Napangiti nalang ako habang nakikitang umaagos ang dugo niya sa sahig.
“Althea, siya ang totoong daddy mo.” naiiyak na pagkasabi ni Eunice.
Hanggang sa mapansin ko ang family picture na hawak ni Eunice.
Nakita ko na ang picture na yun noon ng aksidente mahulog ang wallet ni Melchor.
“Bakit nasayo yan?” malumanay na pagkakasabi ko.
Agad ko kinuha ang wallet sa bulsa ni Melchor hanggang sa makita ko ang family picture sa wallet niya.
Kaparehas ang picture na yun sa hawak ni Eunice. At ang batang kalong ni Elizabeth ay ako.Bigla nalang ako napaluhod ng unti unti ko ng mabuo ang puzzle sa utak ko.
—Flashback: 24years ago—
“Nasaan ang mommy at daddy ko? Ibalik niyo ko sakanila.” pagsusumamo ko.
“Tahan na baby girl. Wag kana umiyak dahil simula ngayon. Kami na ang magiging mommy at daddy mo.” sambit ng babae.
—End of Flashback—
“Hindi!” sigaw ko dahil sa halo halong emotions.
Agad naman ako niyakap ni Eunice, habang ako ay halos kapusin ng paghinga dahil sa labis na pag iyak.
—3years later—
Tatlong taon na ang nakakalipas muna ng magkamali ako. Kasalukuyan na akong nakatira ngayon sa US, namumuhay ng normal kasama ang masayang alaala ko noong nabubuhay pa sila Mommy, Daddy at ang bunso kong kapatid na si Stephanie.
Habang naglalakad lakad ako, aksidente ko nabangga ang isang lalake.
Agad kaming nagkatingan.
“Althea? Ikaw na ba yan?” gulat na tanong ni Hector.
“Hector?” masayang sambit ko at agad napayakap kay Hector.
—THE END—
BINABASA MO ANG
Althea's Revenge
БоевикAtlhea's family was brutally killed when she was six years old. After 22years, she's back to take revenge. Will she succeed?