—ALTHEA POV—
Agad nga ako nagpunta sa golf area kung saan madalas daw doon si Gregorio.
At parang sini-swerte naman ako kasi naabutan ko siyang nag go-golf. Nahirapan ako makalapit sakanya dahil may kasama siyang dalawang bodyguards kaya kinailangan ko ang tulong ni Hector.
Nang maging ok na at nag iisa nalang si Gregorio ay saka ako pa-simpleng lumapit sakanya.
“Ang galing mo mag golf kanina.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Thank you, pero kilala ba kita?” seryosong pagkakasabi niya.
“Nagkita na tayo noon, hindi mo na ba natatandaan?” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Sa ganda mong yan, sino naman ang makakalimut sa mukhang yan.” nakangising pagkakasabi niya habang nakatitig sakin.
“Well, do you want to play a game? sarcastic na pagkakasabi ko.
“Pero ayaw ko sana ng golf. Gusto ko yung may thrill saka exciting.” dagdag ko pa.
“Sino ba naman ako para tumanggi sa tulad mo.” sagot ni Gregorio.
——
Kaagad nga kami nag check in ni Gregorio sa isang luxury hotel.
Pagdating sa kwarto, agad kong nilagyan ng blind fold si Gregorio saka ko siya pinaupo sa upuan.“Mukhang exciting nga 'to.” nakangising pagkakasabi ni Gregorio.
“Relax.” bulong ko sa tenga ni Gregorgio at saka nilagyan ng busal ang bibig niya.
“Ayaw ko kasi ng masyadong maingay kapag naglalaro.” muli kong bulong sa tenga ni Gregorio.
Ilang sandali pa ay kinuha ko na ang kutsilyo sa pouch ko saka ito sinaksak sa leeg ni Gregorio. Halos mangisay ang buong katawan niya habang sumisirit ang dugo mula sa leeg niya. At saka inubos sa katawan niya ang lahat ng bala ng dala kong baril. Bago ako umalis ay nilagyan ko rin siya ng marka katulad ng ibang kasamahan niya na pinatay ko narin.
Umuwe ako sa condo unit ko na para bang walang nangyari. Naabutan ko na gising pa si Stephanie na nanonood ng balita sa TV.
“Panoorin mo yung news Althea, grabe yung ginawa sa lalake, nakaawa. Siya rin yata yung pumatay sa dalawang lalake noon na nabalita din. Serial killer yata yung pumapatay, tingin mo? Sino kaya gagawa no'n?” anya ni Stephanie.
“I dunno, pero isa lang alam ko. Matulog kana.” sagot ko.
“Excuse me, 7PM palang. Teka, saan ka galing? Lagi kana lang umaalis. Saan kaba nag pupunta?” nagtatakang tanong ni Stephanie.
“Wag mo ng alamin. Matutulog na 'ko.” seryosong pagkakasabi ko.
Pupunta na sana ako sa kwarto ko ng magsalita si Stephanie.“May hindi kaba sinasabi sakin? O may dapat ba akong malaman? Kapatid mo 'ko. Kahit hindi tayo blood related, still I'm your sister.” malumanay na pagkakasabi ni Stephanie.
Agad naman ako lumingon sakanya.
“Don't worry I'm ok. May mga kailangan lang talaga ako gawin ng mag isa.” nakangiting pagkakasabi ko.
Agad naman tumayo mula sa kinauupuan niya si Stephanie saka lumapit sakin at niyakap ako.“Kahit busy ka, wag mo sana kakalimutan na magkapatid parin tayo. Kapag kailangan mo ng kakampi andito lang ako.” nakangiting pagkakasabi ni Stephanie.
“Oo naman.” nakangiting pagkakasabi ko.
——
The next day, pinagplanuhan ko naman ang gagawin ko sa pinaka boss nila na si Aubreigon.
Ang sabi ni Jio, madalas daw itong nasa night club. Kaya naman pinagplanuhan ko ang gagawin kong pagpatay sakanya.
Medyo nagsawa na ako sa brutally killed, kaya iniba ko naman. Ginawa kong simple lang.
“Can I join you?” mapang akit na tanong ko kay Aubreigon na mag isang umiinom ng alak sa isang table.
Agad niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.“Why not?” nakangising tanong niya sakin.
Pero tila nagbago ang expression ng mukha nya ng umupo na ako sa tabi niya.
“i-ikaw?” nauutal na pagkakasabi niya.
“Hindi ko inakala na makikilala mo pa pala ako after 22years.” sarcastic na pagkakasabi ko.
Tatayo sana siya sa kinauupuan niya ng itutok ko sa tagiliran niya ang kutsilyong hawak ko.
Medyo madilim sa pwesto namin kaya walang nakakapansin. Masyado rin maingay ang tugtog sa loob ng night club kaya kahit humingi ng tulong si Aubreigon ay walang makakarinig.
“Bakit parang takot na takot ka yata?” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Paanong buhay ka pa?” nagtatakang tanong niya.“Sigurado kasi para may maghiganti pa sa pagkamatay ng pamilya ko.” nakangising pagkakasabi ko.
Ilang sandali pa ay nilagyan ko ng lason ang alak na Aubregion saka ito pilit na pinapainum sakanya.“Alam mo, pasalamat ka nga kasi hindi ko gagawin sayo yung ginawa ko kila Rodolfo, Arthur at Gregorio.” nakangising pagkakasabi ko.
“Mabait naman ako kahit papano. Ganito lang, sabihin mo sakin kung sino pa ang mga kasama mo ng gabing yun tapos aalis na ako. Hindi ko na ipapainum sayo 'to.” dagdag ko pa.
“Wala na akong maalala----”Hindi na naituloy pa ni Aubreigon ang sasabihin niya dahil sinaksak ko na siya sa leeg.
“Bakit ba ang hilig ko manaksak sa leeg.” bulong ko sa sarili ko saka ako umalis.
BINABASA MO ANG
Althea's Revenge
ActionAtlhea's family was brutally killed when she was six years old. After 22years, she's back to take revenge. Will she succeed?