Chapter 11

146 9 0
                                    

—ALTHEA'S POV—

Kinagabihan, kasalukuyan ng nagpapahinga si Elizabeth sa kwarto niya ng dalhan ko siya ng juice na may halong lason.

“Hi Mom.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Oh, anong ginagawa mo dito?” malambing na tanong ni Elizabeth.

“Ito po, dinalhan kita ng fresh fruit juice.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Ang sweet naman ng anak ko.” nakangiting pagkakasabi ni Elizabeth saka kinuha ang juice na dala ko.

“Inumin mo na agad yan mommy habang malamig pa.” nakangiting pagkakasabi ko.

Agad nga ininum ni Elizabeth ang juice na dala ko. Ilang segundo lang ay nangingisay na ang katawan niya, unti unti narin bumubula ang bibig niya. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng hininga. Saka ako nag iwan ng suicide note sa ilalim ng unan niya.

Naka saad sa suicide note na depressed siya dahil sa pagkamatay ni Stephanie.

——

Makalipas ang limang oras saka ko tinawagan si Melchor sa nangyari sa nangyari sa asawa niya, kaya agad siyang umuwe ng bahay.

“Daddy wala na si mommy.” sambit ko habang umaarte na kunware ay umiiyak.

Agad naman ako niyakap ni Melchor, pagkatapos ay agad na pinuntahan si Elizabeth.

“Gusto ko lang naman sana kausapin si Mommy, pero pagpasok ko sa kwarto niya akala ko natutulog lang siya pero pag tingin ko bumubula na yung bibig niya tapos hindi narin siya humihinga.” sambit ko saka pasimpleng ngumiti.

Nakita ko kung paano nasaktan si Melchor ng makitang wala ng buhay si Elizabeth. Isama pa na wala narin ang anak nilang si Stephanie.

——

Matapos nga mailibig si Elizabeth ay pumasyal ako kila Eunice.

“Oh! Althea, ngayon kana lang yata napa-pasyal dito. Kamusta kana?” tanong sakin ni Eunice.

“I'm so happy, masaya akong nakikita si Melchor na sobrang nasasaktan sa pagkamatay nila Stephanie at Elizabeth. Masaya akong nararamdaman niya ang sakit na naramdaman ko noon.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Pagkatapos ba ng lahat ng 'to, aalis kana?“ seryosong tanong ni Eunice.

“Oo, babalik na ako sa US. At magsisimula ng panibagong buhay.” sagot ko.

“Isasama mo ba si Hector?” tanong ni Jio.

“Why should I do that?” sagot ko.

“Sa tingin mo ba papayag si Hector na iwanan mo siya dito pilipinas.” natatawang pagkakasabi ni Jio.

“At ano naman ang pakialam ko sakanya?” mataray na pagkakasabi ko.

Natawa nalang si Eunice.

“Alam mo, ganyan din kami ni Jio noon. Para kaming aso't pusa minsan. But at the end, ito kami parin.” nakangiting pagkakasabi ni Eunice.

“Hindi naman pag ibig ang hinahanap ko, kundi hustisya sa pagkamatay ng family ko.” mataray na sagot ko.

“Alam ko naman yun, pero hustisya din naman ang gusto ko noon pero pag ibig yung nahanap ko.” nakangiting pagkakasabi ni Eunice at agad naman sila nagkatinginan ni Jio.

“Wala talaga akong time for love.“ seryosong pagkakasabi ko.

Althea's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon