—ALTHEA POV—
Kinabukasan....
“Althea, nakita mo ba si Jefferson?” agad na tanong sakin ni Stephanie.
“Hindi, bakit?” sagot ko.“Bigla kasi ako kinabahan eh.” sagot ni Stephanie.
“Baka may pinuntahan lang yun. 8AM palang naman.” sagot ko saka humigop ng kape.
“Saan naman yun pupunta eh wala naman siya ibang kakilala dito.” sagot ni Stephanie.
Ilang saglit pa ay may kumatok na sa pintuan kaya agad ko ito binuksan. Bumungad sakin ang isang pulis.
“Yes? Anong kailangan nila?” magalang na sagot ko.
“May nakita po kasing bangkay ng lalake sa ground floor. Hindi na makilala ang mukha niya dahil sa dami ng tama ng bala. Ayon sa nakakitang guard nitong umaga. Taga dito daw sa unit na 'to ang lalakeng yun.” salaysay ng pulis.
“Anong bangkay?” naiiyak na pagkasabi ni Stephanie.
Agad naman namin pinuntahan ang nasabing bangkay sa Morge. At doon ay na-confirm ni Stephanie na si Jefferson nga 'yon.
Halos mag iiyak si Stephanie sa nalaman niya. Pasimple naman ako napangiti dahil nakikitang kong umiiyak si Stephanie.
—1week later—
Na-cremate na bangkay ni Jefferson at agad itong inuwe sa pamilya niya sa US. Naiwan dito sa Pilipinas si Stephanie dahil gusto niyang bantayan ang kaso. Gusto daw niyang makulong kung sino man ang pumatay kay Jefferson.
“Kumain kana.” sambit ko.
“Wala akong gana.“ malungkot na pagkakasabi ni Stephanie.“Magkakasakit ka niyan.” sagot ko naman.
“Ok sige, kung ayaw mo kumain. Aalis muna ako, iiwanan ko yung pagkain mo sa ref kumain kana lang.” dagdag ko pa.
“Saan ka pupunta?” tanong sakin ni Stephanie.
“Sa kaibigan ko.” simpleng sagot ko at saka umalis.
——
“Oh anong balita?” tanong sakin ni Hector.
“Ito ang pera, 300,000 yan. Ikaw na bahala kay Stephanie. Magkita nalang tayo sa La Verde mamayang 7PM.” nakangising pagkakasabi ko kay Hector saka inabot ang sobreng naglalaman ng pera.
——
Pagkatapos ko makipag kita kay Hector ay umuwe na ako sa condo unit. Naabutan ko si Stephanie na umiiyak parin sa silid niya.
“Alam ko na para 'di ka malungkot.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Ano yun?” nagtatakang tanong ni Stephanie.
Agad akong umubo sa tabi niya saka pinunasan ang luha ni Stephanie.
“Aalis tayo mamaya.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Stephanie.
“Basta, para mawala na yang lungkot na nararamdaman mo.” sambit ko saka niyakap si Stephanie.
“Salamat Althea, your the best sister talaga.” naluluhang pagkasabi ni Stephanie.
——
Before 7PM ay nagpunta na nga kami sa La Verde, isang park na malapit sa karagatan. Malayo palang ay natanaw ko na ang sasakyan ni Hector. Kaya bahagya akong napangisi.
Naupo kami sa gilid ni Stephanie.
“Althea, salamat sa lahat ng ginagawa mo para lang mapasaya ako. Kahit hindi kita totoong kapatid pero lagi mo sakin pinaparamdam kung gaano ako kahalaga sayo bilang kapatid mo. I'm so lucky and blessed to have a sister like you.” nakangiting pagkakasabi ni Stephanie saka ako niyakap.
Sa 'di kalayuan ay natanaw ko ng papalapit si Hector pati ang mga kasamahan niya.
“Wait lang, bibili lang ako ng makakain. Dito ka lang.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Ok, sige.” nakangiting sagot ni Stephanie.
Nang makasalubong ko si Hector, ay nagtinginan nalang kami.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang sigaw ni Stephanie, tinatawag niya ang pangalan ko habang humihingi ng tulong.Nag earphone nalang ako para 'di ko marinig ang sigaw at iyak niya.
Sa kotse nalang ako nag intay kay Hector.Ilang sandali pa ay kinatok ako ni Hector sa bintana ng kotse ko. Agad akong bumaba at pinakita nga sakin ni Hector ang kaawa awang bangkay ni Stephanie na nakalagay sa compartment ng kotse niya.
“Good Job, kayo ng bahala niya.” nakangising pagkakasabi ko at pagkatapos ay umuwe na ako sa condo unit.
BINABASA MO ANG
Althea's Revenge
AcciónAtlhea's family was brutally killed when she was six years old. After 22years, she's back to take revenge. Will she succeed?