01

2.2K 51 4
                                    

Nakahiga si Andreas sa kanyang Kama. Tinitignan niya ang kisame at ang camera na nasa kamay niya. Huling taon na niya sa USK (University of Santo Kahel). Tinatamad pa itong magimpake lalo na at hindi pa niya kilala ang kanyang dormmate.

"Anak. Mag impake ka na. Bukas na ang alis mo." Sigaw ng nanay ni Andreas. Binitawan naman niya ang Camera na hawak niya.

"Opo ma!" Sigaw nito pabalik. Tumayo na ito sa kanyang higaan at kinuha na ang kanyang maleta.

"USK, please be good to me." Sambit nito habang nagiimpake. Halo ang kaba at saya sa puso nito. Bigla naman ito napapikit.

"Lord, sana maayos po kadorm ko. Heymen." Ani nito habang naka crossed fingers. Nakita naman ito ng kanyang ina. Natawa na lamang ito sa inasta ng kanyang anak.

Bigla naman tumawag ang kanyang mga kaibigan. Nag group call ang mga ito.

Celine Curtis: Sis! Hindi mo ba kadorm si Paul?
Andreas: Huwag sana please. Madumi sa bahay yun eh.
Paul Hilario: Raulo ka ha! Fo na tayo. Ayoko na sayo.
Andreas: Totoo naman ha?
Paul: Sana hindi maayos kadorm mo. Heymen.
Andreas: Ulol! Sino ba kadorm mo?
Lucas Navarro: Ako. Good luck sa akin.
Paul: Loko!
Emma Padilla: See you soon friends! I miss you all!
Andreas: Miss you too! Kiss kita pag nagkita tayo.
Celine: Oh Good Lord! My ship is sailing!
Lucas: Emma bawal kiligin. Hayop ka, Andreas! Pafall!
Paul: Kiss lang? Hina naman!

Nagtuloy lang ang asaran ng magbabarkada. Maya maya lang ay inend na ito ni Andreas dahil marami pa siyang kailangan asikasuhin.

"Tangina. Bakit pa ba kasi ako mag archi?" Tanong nito sa sarili habang nagiimpake.

— Kinabukasan —

"Anak magingat ka ha? Mahal kita." Sambit ng nanay ni Andreas.

"Love you too, nay!" Niyakap naman ni Andreas ang kanyang ina at ama bago tuluyang umalis.

Naglakad na si Andreas papunta sa kanyang dorm. Nagtataka naman ito dahil wala pa ang kadorm niya. Tinignan ni Andreas ang buong dorm upang makita ang dapat niya pang gawin at linisin.

Pagkatapos niya umikot at inilagay na niya ang kanyang gamit sa kanyang kama. Inayos na rin niya ang kanyang mga gamit.

"Andreas Viceral. Kaya mo toh. Tatapusin natin tong taon na ito ng masaya. Please Lord. Heymen." Nakapikit na sambit ni Andreas habang naka crossed fingers.

— USA —

"Son? Alam mo ang usapan natin ha? Pag bagsak balik ulit sa America. Ayusin mo. Make me proud." Sambit ng ama ni William.

"Yes dad." Nakangiting sagot ni William.

"William Perez. Magseryoso ha! My future Pilot." Ngumiti at tumango lang si William sa kanyang ama bago kunin ang maleta nito.

Ngayon ang flight niya papuntang Pilipinas. Bata palang si William ay hindi ganun kataas ang grado nito sa school. Magaling lang ito maglaro ng basketball at varsity sa school nila dati.

Pangalawang taon na nito sa USK. Umuwi lang siya ng USA para magbakasyon. Ilang minuto lang ay nakapunta na ito sa airport. Ilang oras na lang din ay makakarating na ito sa Pinas.

— USK DORM —

Habang nanunuod si Andreas ay nagtext ang mga kaibigan nito. Nagaaya mag sisig si Paul at libre daw niya ito.

Sa kanilang barkada importante ang oras. Dapat kung anong oras ang pinagusapan ay nandun ka na. Pag nahuli ka naman ay may consequences, sila na ang bahala kung ano ang gusto nilang ipagawa sayo.

Agad agad naman tumayo si Andreas at sinuot ang damit nito. Tinitignan tignan nito ang cellphone niya. Malayo layo kasi ang sisig ni aling lucing sa dorm nila.

"Hayop talagang Paul na ito." Sambit ni Andreas habang papunta sa sisig place.

Nakapunta naman si Andreas sa Aling Lucing sa tamang oras. Umupo ito sa gitna ni Emma at Celine. Nakita naman nila na tahimik si Paul at malungkot.

"Okay lang yan Paul. Salamat sa ayuda." Pang iinis ni Andreas dito. Tinignan lang ito ni Paul.

"This is your unang libre. Thank you Lord sa anak mo. Heymen." Sambit ni Emma.

Nagenjoy naman ang magbabarkada sa unang pagsasalo salo nila. Napuno ng tawanan ang kanilang mesa. Yung iba sa kanila ay napipikon na. Yung iba naman ay neutral lang ang nararamdaman.

Pagkatapos nila kumain ay bumalik na sila sa kanya kanyang dorm nila. Lahat sila ay magkakasama si Andreas lang talaga ang nahiwalay sa barkada.

Pagkarating sa dorm ay agad hinubad ni Andreas ang suot nito at nagpalit ng pambahay. Humiga siya sa kanyang kama at natulog na dahil bukas ay may pasok na sila.










Hi! Dapat talaga au/social media serye toh haha pero dito ko nalang isusulat. Mwaps! Xoxo. 🤍

EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now