"Putangina..." yan lang ang nasabi ni William.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya din alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Biglang bumalik ang lahat. Ngayon nalang niya ulit nakita ang mga litratong ito. Ngayon lang niya ulit nahawakan ang camera niya.
Naisipan nalang niyang matulog. Ayaw niya nalang din isipin dahil tapos na iyon. Dapat matagal na siyang walang pakealam. Matagal na dapat binaon sa limot. Bago ito matulog ay bumaba ito sa kama upang uminom ng tubig. Pagkatapos niya uminom ay tinignan niya muna si Andreas. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang itong napapanginiti. Andreas hits differently.
"Good night, my Andreas." Bulong nito habang nakatitig kay Andreas.
Pagkatapos nito ay pumunta ito sa banyo para maligo at mag night routine. Bago siya unakyat sa kama ni Andreas ay tinignan niya ulit ito ng isa pang beses.
— Kinabukasan —
Maagang nagising si William upang magluto. Kailangan kasing uminom ni Andreas ng gamot para sa paa niya. Lahat ng tinuro ng nanay niya ay ginawa niya. Ito ang unang beses na magluluto siya para sa isang tao. Hindi din kasi siya ganito kay Angel.
Maya maya lang ay nagising na din si Andreas dahil sa mabangong amoy. Kinusot niya ang mata niya at napansin nito na hindi ito ang kama niya. Nakita naman niya si William na nagluluto at labas ang abs.
"Parang mas masarap yung abs." Mahinang sambit ni Andreas. Shit napalakas dapat sa utak ko lang yun eh. Ani ni Andreas sa kanyang sarili. Napatingin naman si William kay Andreas.
"Good morning. Kain ka na ng abs ko, este ng pancake at hotdog ko ay hotdog ko na niluto ko para sayo." Nahihiyang sambit ni William. Napangiti nalang si Andreas sa sinabi ni William.
"Nilalagnat ka ba? Bakit ang bait mo?" Tanong ni Andreas. Nilapitan naman niya ito at nilagay ang palad sa noo ni WIlliam.
"Baliw hindi. Tulungan na kita. Umupo ka na dito para maka inom ka na ng gamot tapos may test pa tayo kaya bilisan mo na." Tao-pusong ani ni William.
"Okay." Nakangiting sambit ni Andreas.
Kumain naman ang dalawa at nilinis ni William ang pinagkainan nila.
"Presko? Bakit ang bait mo sa akin?" Tanong ni Andreas habang naglalakad ang dalawa sa hallway.
"Kawawa ka kasi baldado." Pang-aasar ni William.
"Hayop ka talaga." Pangaasar ni Andreas kay William.
"Alam ko. Hatid na kita sa classroom mo, sungit." Tumango naman si Andreas bilang sagot.
Habang naglalakad sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Nahiya naman si Andreas dahil parang lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. Hindi naman pinansin ni William ito at dirediretsong pumasok sa classroom ni Andreas.
"Ito na mga gamit mo. Ito na din gamot mo, huwag mo kalimutan uminom ng hapon. Pag masakit paa mo tawag mo ako. Alam mo naman number ko diba? Tapos—" Pinutol naman ni Andreas ang sasabihin ni William.
"Hep! hep! hep! Hinay hinay ka lang, tay. Alam ko naman po gagawin ko. Salamat. Pasok ka na." Nakangiting sabi ni Andreas habang ang daliri niya ay nasa labi ni William.
"Okay sige. Bye na, sungit." Tumayo naman si William at ginulo ang buhok ni Andreas. Hinampas naman ni Andreas ang kamay ni William.
"Bye-bye." Ani ni William at pumunta na sa classroom niya.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomanceA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."