02

715 33 5
                                    

William's POV

Tangina ang sakit ng ulo ko. Mamaya nalang ako pupunta ng dorm tutal kakauwi ko lang naman sa Pinas.


Dumiretso agad ako sa bahay namin dito sa Tarlac. Nakita ko naman na andito ang aking ina. Matagal na silang hiwalay ni Dad kaya nasa USA ito. Pakiramdam kasi ni Dad hindi ako kayang alagaan ni Nanay.


"Anak andito ka na pala. Kamusta biyahe?" Tanong ni Nanay sa akin. Nilapitan ko ito at binigyan ng mahigpit na yakap at halik sa pisnge.


"Okay lang nay. Kamusta ka naman? Namiss kita." Sambit ko sa nanay ko. Hinila naman nito ang kamay ko papuntang kusina.


"Okay lang ako. Nagluto ako ng paborito mo kain ka muna." Masayang sabi ng nanay ko sa akin. Nakita ko naman ang pagkain sa harap ko puro paborito ko nga.


Kumain lang kami ni Nanay at nagkwento lang ito sa akin ng mga ganap niya. Nakita ko naman na naging maliwanag ang mukha nito. Siguro naka move on na ito kay dad.


Pagkatapos namin kumain ay umakyat muna ako sa kwarto ko para maligo at kausapin ang dalawa kong kaibigan.


*ring ring*

Dos Crawford: Tangina! Asa pinas ka na?
Emman Manzano: Oo nga? Nakita ko post mo eh. Bakit hindi mo sinabi sa amin?
William: Ngayon ko palang nga sasabihin diba? Ano atat? Sakit ng ulo ko.
Dos: Gago William di mo kami kadorm.
William: Gago? sino kadorm ko?
Emman: Tanong mo nalang sa school.
William: Room 1025 daw ako eh.
Dos: Edi yun.


Nagpatuloy lang ang aming pagkwekwentuhan. Tangina. Sana talaga maayos magiging kadorm ko. Dapat pala hindi na muna ako umuwi.



— USK —



Andreas's POV
Ang boring naman ng klase namin. Gusto ko na bumalik sa dorm at matulog. Nabalitaan ko kasi na ngayon darating ang kadorm ko. Sana malinis sa bahay, pwede rin namang gwapo pero plus point nalang yun.


"Andreas? Mag kaklase pala tayo." Sambit ng katabi ko. Tangina si Romeo pala ito.


"Romeo. Kaklase pala kita." Matipid na sambit ko dito. Aaminin ko na may gusto ako kay Romeo... matagal na. Minsan kasi nag paparamdam ito, madalas hindi. Gago diba? Charot lang. Mabait naman siya eh


"Kamusta ka na?" Bulong ni Romeo sa akin. Dadal naman neto. Pasalamat siya gwapo siya.


"Okay lang ako." Matipid na sabi ko. Syempre baka isipin niya pinapamigay ko lang sarili ko.


"Mr. Viceral and Mr. Romeo. Gusto niyo bang ikwento sa harapan ng klase ko yang pinaguusapan niyo? Mag-aaral o lalandi nalang kayo?" natawa naman ang mga kaklase namin. Matandang dalaga kasi si Ms. Canlas kaya ganyang ugali niyan.


Nakita ko naman na natawa din si Romeo. Nginitan lang ako nito. Luh pa-fall si kuya mo. Binalik ko na ang tingin ko sa board at sa teacher kong kulang sa dilig. Hindi parin siya nawawala sa isip ko. Last year kasi nung sinabi ko na Bading ako ay hindi nagbago ang paningin nito sa akin.


Hindi ko naman jowa si Romeo o ano. Pareho kasi kaming Varsity sa basketball siya ta sa volleyball naman ako. Noon palang ay alam ko na sakanya ang puso ko. Sana nga ay ganun rin siya sa akin.


Pagkatpos ng klase namin ay bumalik na ako sa dorm para ayusin ang mga gamit ko. Nagsuot lang ako ng short shorts at oversized shirt. Syempre sayang ang balakang ko noh. Alam naman ng mga tao na bading ako pero kung manamit pang gwapo parin.


Pumunta ako sa may hagdanan nung double deck naming kama. Sa baba kasi ang gusto ko pero ang mga gamit ko ay nasa may taas pa. binuksan ko naman ang radyo at nakinig sa mga kanta. Music lover talaga ako. Hindi lang halata.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now