"Okay, pwede na natin tanggalin toh. Mukhang okay na rin ang paa mo." Sabi ng nurse habang tinatanggal ang foot cast ni Andreas.
"Thank you po." Nakangiting sambit ni Andreas.
Kasama niya ang mga barkada niya ngayon. May ginawa kasi si William kaya hindi niya nasamahan ito. Maya maya lang ay pinuntahan na niya ang mga kaibigan niya na naghihintay sa labas.
"Tara na?" Tanong ni Andreas. Tumango naman ang mga kasam niya.
"Akin na gamit mo, Andi." Ani ni Paul at kinuha ang mga gamit ni Andreas.
"Are you sure na okay ka na?" Tanong ni Celin kay Andreas.
"Oo naman." Matipid na sagot ni Andreas.
"Paano ka uuwi bukas? Kaya mo ba mag bus? Mahaba pila niyan for sure." Ani ni Emma.
"Hahatid daw ako ni William." Napatigil naman ang mag babarkada sa paglalakd at tinignan si Andreas.
"Iba na yan ha?" Pang-aasar ni Paul.
"Ikaw. Baka nahuhulog ka na sa kanya Viceral. Sigurado ka bang hindi ka sasaktan nun? Balita ko babaera daw yun eh." Ani ni Lucas.
"Oa naman. Kaibigan lang hindi jowa. Pati hindi naman yun yung gusto ko diba? Romeo lang sapat na." Maarteng ani ni Andreas.
Napailing lang si Lucas habang sila Emma naman ay natawa. Alam naman nila na matagal ng gusto ni Andreas si Romeo. Nakikita din nila na kinikilig si Andreas sa tuwing nakikita niya si Romeo.
"Saan ka didiretso, Viceral? Tanong ni Paul.
"Maka-viceral naman toh. Sa dorm na ako didiretso magiimpake pa ako. Namiss ko na sila Nanay grabe." Ani ni Viceral.
"Hatid na kita sa dorm mo." Ani ni Paul. Tumango naman si Andreas.
"Osige, bye na guys." Ani ni Andreas sa mga kaibigan niya bago maghiwalay.
Habang papunta sila Paul sa dorm ni Andreas ay nagaasaran ang dalawa. Minsan ay hinahampas ni Andreas si Paul sa balikat. Habang nagtatawanan ang dalawa ay may nakita silang dalawang tao sa tapat ng dorm ni Andreas. Nakita nila si William na may hinalikan na babae bago pumasok sa dorm nila. Nagtinginan lamang si Andreas at Paul.
"Baka kaibigan niya yun?" Tanong ni Paul. tinignan lang ni Andreas si Paul.
"Baka nga." Nakangiting sagot ni Andreas.
Tangina? Magkaibigan ba yun? Hahalikan ka sa labi? Ganun na ba ngayon? Bakit ako nag rereact? Ano ba pake ko dun? Kaibigan ko lang naman siya... ay puta kakilala ko lang siya. TULDOK. Ani ni Andreas sa isip niya. Gusto niya man sabihin ito pero huwag nalang. Baka kasi asarin lang siya ni Paul.
"Osige bye na." Ani ni Andreas at kinuha na ang bag niya kay Paul.
"Osige. Ingat ka Cutiepie. See you next week." Nakangiting ani ni Paul at nagbeso kay Andreas.
Hinintay lang ni Andreas na makaalis si Paul bago pumasok sa loob ng dorm. Pagkapasok niya sa dorm ay agad niyang nilagay ang bag niya sa sahig. Hindi naman niya pinansin si William na nagbabasa ng libro. Agad itong pumunta sa cabinet niya at kumuha ng mga damit. Sinama niya na din ang mga maduduming damit niya para mapalaba.
"Oh, okay na pala paa mo eh." Ani ni William. Ngumiti lang si Andreas.
"Anong oras tayo aalis bukas madam?" Tanong ni WIlliam.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomantiekA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."