Maagang nagising si William. Agad siya nagluto ng pagkain nila ni Andreas. Nagluto siya nang mga masasarap na pagkain.
"Ma? Paano ba kasi tong tinola?" Ani ni William sa kausap niya sa telepono.
"Ilagay mo na yung mga gulay nak. Tanga tanga ka din minsan eh." Natatawang sambit ng nanay niya.
Nagising si Andreas sa kanyang narinig at sa masarap na amoy. Naririnig niya si William na kausap ang nanay niya.
"Pakuluin mo. Iba talaga pag in love eh noh?" Pangaasar ng nanay ni William. Kinilig si Andreas sa kanyang narinig.
"Ma talaga." Nahihiyang ani ni William.
"Good morning." Ani ni Andreas. Agad naman nilapitan ni William ito at hinalikan sa pisnge.
"Good morning." Ani ni William sabay kindat kay Andreas.
"Nak sino yan?" Ani ng nanay ni William sa telepono niya.
"Si Andreas ma." Ibinigay naman ni William ang telepono niya kay Andreas. Naka videocall kasi ang nanay niya.
"Finally! Hello Andreas." Masayang bati ng nanay ni William.
"Hello po, Ms Valdez." Nahihiyang sambit ni Andreas. Kinilig naman si William sa kanyang ina at kay Andreas.
"Don't call me Ms. Valdez. Call me mama. Osige i have to go na. Anak ung tinola mo ha? Love you both! Take care." Nagpaalam na si William sa kanyang ina.
Pagkababa ni William ng telepono niya ay agad niya inayos ang lamesa. Natuwa naman si Andreas sa kanyang nakikita. Hindi niya alam pero abot langit ang kilig niya.
"Andi, Kain ka na dito." Nakangiting sambit ni William. Hinila niya ang upuan upang makaupo si Andreas.
"Mabilis lang ha? Kailangan ko mag review eh. Alam mo naman Finals na natin. Tapos sa weekend birthday ni Tatay punta kayo?" Tanong ni Andreas.
"Invited ba ako? Kung oo edi sama ako." Nakangiting sambit ni William.
"Inaya ka ni Tatay last week diba? Syempre invited ka." Sagot naman ni Andreas.
Si William ang nagbigay ng kanin at ulam sa plato ni Andreas. Nagulat naman si Andreas sa mga kinikilos ni William. Tinitigan niya lang ito habang inaasikaso ang pagkain niya.
"Kain ka na. Baka matunaw ako sa titig mo eh." Ani ni William sabay kindat kay Andreas. Namula naman ang pisnge ni Andreas.
"Gago." Natatawang bulong ni Andreas.
"Hinahalikan moko tapos nagmumura ka?" Ani ni William.
"Sira! Ikaw kaya unang huma—" Naputol ang sinasabi ni Andreas ng biglang halikan ni William ito.
"Maaga ka ngayon sa school diba? Kain ka na." Ani ni William.
Gulat na gulat naman si Andreas sa ginawa ni William. Nginitian ni William ito sabay haplos sa buhok ni Andreas. Aminin man ni Andrea o hindi pero gustong gusto niyang hinahalikan si pabigla ni William.
"Tatawag ako ng police." Nabilaukan naman si William sa sinabi ni Andreas.
"Bakit?" Seryosong tanong ni William.
"Nakaw ka kasi ng nakaw ng halik." Natatawang sambit ni Andreas.
"Corny mo. Hindi ka pa ba pagod?" Tanong ni William.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomanceA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."