Masaya ang naging intrams ng lahat. Walang umuwi ng luhaan. Ngayon ay bumalik na lahat sa regular classes. Katabi ni Andreas si Romeo habang si Angel naman ay nasa may bandang harapan.
"Ex pala ni Angel si William?" Ani nung isa nilang kaklase. Napatingin naman si Andrea dito.
"Bagay naman sila eh. Bakit kaya naghiwalay? Sana sila nalang ulit." Sagot naman nung isa nilang kaklase.
"Eh diba nga? sabi nila si Andreas na daw pati si William." Bulong naman nung isa pero narinig parin ito ni Andreas.
Inis na inis naman si Andreas sa kanyang mga narinig. Gusto niya nalang hablutin ang mga buhok ng mga babaeng kaklase niya. Napansin naman agad ni Romeo ito.
"Chill." Maikling sambit ni Romeo. Agad naman kumalma ito at nginitian si Romeo.
"Thank you for reminding me to chill." Pagpapasalamat ni Andreas. Agad naman niya itinuon ang pansin niya sa mga notes niya at nagsulat.
"Okay class! Good morning sorry i'm late. By pair tayo today. Kailangan niyo galingan ito dahil panghila din toh sa mga grades niyo." Ani ng teacher nila.
"Yes, Ma'am Santos." Sagot naman ng mga estudyante.
Maya maya lang ay sinabi na ng teacher nila ang mga magkakagrupo. Hindi naman alam ni Andreas na kanina pa pala ito tinatawag dahil madaming tumatakbo sa isip niya.
"Ms. Angel Gonzales and Mr. Andreas Viceral kayo ang magkagrupo." Nagulat naman si Andreas sa kanyang narinig.
"Po?" Ani ni Andreas. Para kasi siyang nabibinge.
"Magkagrupo daw tayo." Nakangiting sambit ni Angel. Tumango naman si Andreas.
Nagplano na ang lahat para sa kanilang mga gagawin. Nakapagplano din si Andreas at Angel ng maayos. Kailangan ni Andreas maging casual kahit na alam niyang ex siya ni William.
"Angel? Sabay ka ba maglunch sa amin?" Ani ng kaibigan ni Angel.
"Hindi. Sabay kami ni William today." Agad na sagot ni Angel. Napayuko naman si Andreas sa kanyang narinig.
"Kayo na ba ulit?" Tanong ng kaibigan nito.
"Hindi, pero i think wants me back." Nakangiting sagot ni Angel.
"Speaking of William! Hi William! Lunch na tayo?" Tumayo naman si Angel sa kanyang upuan at nilapitan si William ngunit hindi ito pinansin ni William.
"Andi?" Nakangiting tawag ni William dito.
"Hey." Mahinang bulong ni Andreas at ngumiti ng bahagya. William gave him a head pat.
"Lunch? Aling Lucing sisig tayo sa paborito mo." Nakangiting tanong ni William.
"Paano mo alam?" Tanong naman ni Andreas habang inaayos ang gamit niya.
"I just know... tara na?" Tumango naman si Andreas. Napatingin lang si Angel sa ginawa ni William at Andi.
"Girls? Aling lucing sisig tayo." Ani ni Angel sa mga kaibigan niya.
"Eww. Ang dirty doon eh." Maarteng sabi ng kaibigan nito.
"Basta." Madiin na sambit ni Angel.
Pagkatapos kumain ni Andreas at William ay pumasok na ulit sila. Pinapanuod lang ni Angel ang bawat kilos ng dalawa. Napansin naman niya ang isa nilang kaklase na si Romeo.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
Storie d'amoreA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."