Habang nagbabasa si William ng libro ay tinitignan tignan niya si Andi. Tinitignan lang nito ang ginagawa ni Andreas na may hawak na lumang Camera sa kanyang kamay. Naisipan naman lapitan ni William ito. Hindi niya din ala kung bakit. Parang may sariling buhay ang mga paa nito.
"Ano yan?" Tanong nito. Agad naman tinago ni Andreas ang camera na hawak niya.
"Wala, doon ka na nga. Pakelamero much?" Agad naman bumalik si William sa higaan nito.
"Sungit mo." Parinig ni William kay Andreas. Tinignan naman ng masama ni Andreas ito.
"Bakit ang presko mo?" Mataray na sabi ni Andreas.
"Sungit." Pang aasar ni William.
"Presko." inirapan naman ni Andreas ito.
Kinuha naman ni Andreas ang kanyang libro at nagbasa. Habang nagbabasa ito ay may biglang tumawag sakanya. Agad nawala ang inis niya ng makita ang lalaking tumatawag sakanya. Ang noo niyang nakakunot ay napalitan ng ngiti sa labi.
"Hello? Kamusta? Ano? Nasaan ka? Bakit ka kasi nandyan? Anong oras na oh. Osige puntahan kita." Ani ni Andreas sa kausap niya. Agad naman itong nagsapatos at umalis ng dorm.
Nakita naman ni William si Andreas na nagmamadali. Wala naman magawa si William kaya sinubukan niyang sundan ito. Nakita niya na papuntang Garden toh malapit sa may dorm nila. Tinitignan tignan lang niya si Andreas.
Nagtago si William kung saan hindi talaga siya makikita ni Andreas. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita niyang giniginaw na ito. Nakalimutan kasi kunin ni Andreas ang jacket nito. Sa Baguio kasi naka destino ang USK. Hindi naman alam ni William ang kanyang gagawin. Kahit naman masungit si William ay hindi ganun katigas ang puso nito.
Maya maya lang ay nilapitan na ito ni William. Hindi naman agad napansin ni Andreas ito dahil nakatuon ang pansin nito sa iba. Nagulat na lamang ito ng may nagbalot ng jacket sa katawan niya. Pagkatalikod niya ay nakita niya si William.
"A-anong ginagawa mo d-dito?" Tanong ni Andreas sakanya.
"Tatanga tanga ka kasi. Nakalimutan mo jacket mo. Iiwan ko nalang nakabukas yung pinto. Matutulog na ako. Bahala ka na umuwi." Malamig na sambit ni William. Agad naman niya itong tinalikuran at lumakad na papalayo kay Andreas.
Tinignan lang ni Andreas si William. Medjo malayo kasi ang dorm nila kaya iniisip rin ni Andreas si William. For sure, giniginaw na yun ngayon. Tinignan lang ni Andreas ang jacket. Umupo ito sa may bench habang may hinihintay.
Pagkaraan ng ilang minuto ay napahilamos na lamang si Andreas ng mukha. Gusto niyang umiyak. Hindi niya alam kung naloko nanaman ba siya o ano. Ang alam lang niya ay masakit. Baka may rason? Tanong niya sa kanyang sarili.
Pagkaraan ng isang oras ay naisipan na niyang umuwi. Tanging jacket lang ni William ay nakayakap sa kanya. Habang naglalakd siy pauwi makikita mo na matamlay ito. Pagkarating niya sa dorm ay nakita niya si William na nakahiga sa kama. Tinignan lang ni William ito.
"Buti umuwi ka pa?" Tanong ni William sakanya.
"Huwag ngayon william. Please." He pleaded. Tunmango lang si WIlliam at tinuloy na ang pagbabasa niya.
Nagpost naman si Andreas sa kanyang Twitter ng "GhOsTEr" Nakita naman ng mga kaibigan nito ang post ni Andreas. Kinamusta naman nila ang kanilang kaibigan. Pinatay naman ni William ang ilaw para makatulog na silang dalawa.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomanceA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."