"Mukhang may naka move on na kay Romeo ha?" Pang-aasar ng tatay ni Andreas.
Masyang kumakain ang pamilya ni Andreas habang si William ay nasa biyahe parin. Kumunot ang noo ni Andreas sa sinabi ng kanyang ama. Muntik pa nga itong mabilaukan. Uminom muna ito ng tubig bago sumagot.
"Bakit naman ako mag momove on tay? Eh hindi naman kami." Ani ni Andreas.
"Okay anak. Mabait ung kasama mo kanina ha." Ani ng tatay nito.
"Okay lang tay. Minsan may topak. Minsan masungit." Ani ni Andreas sabay higop ng sabaw.
"Baka gusto ka?" Pangiinis ng tatay niya.
"Anong gusto gusto? Aral ka muna anak." Pangangaral ng nanay nito.
"Okay lang yun." Ani nang tatay nito sabay kindat kay Andreas.
"Tay talaga!" Nakangiting ani ni Andreas.
Pagkatapos nila kumain ay tinulungan ni Andreas ang kanyang ina sa pagliligpit. Habang nagliligpit sila ay binuksan ng tatay niya ang radio nila, saktong tumugtog naman ang kantang Hinahanap-hanap kita ng Rivermaya.
"Asawa! Sayaw tayo." Ani ng tatay ni Andi sa kanyang ina.
Napangiti naman si Andreas sa kanyang nakita. Sana talaga ay totoo na toh at okay na talaga silang dalawa. Habang naghuhugas siya ng pinggan ay biglang may nag text sakanya. Pinunasan niya ang basang kamay niya para basahin ang text.
Sabik sa 'yo
Kahit maghapon
Na tayong magkasama parang telesine
Ang ating ending
Hatid sa bahay nyo
Sabay goodnight, sabay may kissSabay bye-bye, oh.
William: Thank you sa sandwich.
Napangiti naman si Andreas sa kanyang nabasa.
Andreas: Welcome. :)
Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Inilapag ni Andreas ang kanyang telepono at tinuloy na ang paghuhugas niya ng pinggan. Para siyang baliw na nakangiti habang naglilinis ng plato. Bigla nalang siyang sumasayaw sa tugtog habang tinatago ang kanyang ngiti. Tinignan lang ito ng kanyang ina at ama.
"Saya ng anak mo." Bulong ng tatay ni Andreas.
"Ngayon lang sumaya yan." Balik na bulong ng ina nito.
"Hayaan mo magmahal ang anak mo, hayaan mo rin siyang masaktan. Huwag natin siyang pigilan." Ani ng tatay nito sa kanyang ina. Tumango naman ang nanay nito.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomanceA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."