"Ganito pala pakiramdam."
"Ha?" Nalilitong tanong ni Romeo.
"Ganito pala pakiramdam pag nakikita mo na siyang masaya." Napatigil naman si Romeo sa dinidrawing niya at tinignan si Andreas.
Pakiramdam ni Andreas ay tutulo ang kanyang luha ngunit sinubukan niyang pigilan ito. Hinawakan niya ang pencil niya at tinignan ang blankong papel nito. Hindi siya makapagisip ng maayos. Naalala niya ang nangyare kahapon.
~ Kahapon ~
Habang naglalakad si Andreas ay napadaan ito ng hospital upang bisitahin ang kanyang kapatid. Pagkapasok niya ng hospital ay dumiretso na ito sa opisina ng kapatid niya. Kapasok niya dito ay agad niyang nakita ang ate niya na para bang busy sa kanyang ginagawa.
"Andi! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng ate niya. Binaba muna ni Andreas ang kanyang gamit at umupo sa harap ng ate niya.
"Wala lang. Finals na kasi namin. Naisipan ko na bisitahin ka muna." Ani ni Andreas. Ngumiti lang ang ate nito at niyakap si Andreas.
"Namiss mo si ate?" Tanong nito. Tinignan lang ni Andreas ang ate niya at ngumiti. Hinalikan naman ito ng ate niya sa pisnge.
"Eww ate! Yuck!" Pabirong sabi ni Andreas. Tinaray naman ito ng ate niya pabalik.
"I just came here to give you this. I need to go na rin eh. Kailangan ko pa magreview." Pagpapaalam ni Andreas.
Nilapag ni Andreas ang dala niyang pagkain para sa ate niya sa lamesa. Agad naman napangiti ang ate niya ng makita ang paborito niyang pagkain. Hinawakan naman niya ito sa kamay ni Andreas. Napatigil si Andreas at tinignan ang ate niya.
"I know you're hurting. I can see it, Andi. Hindi mo kailangan magpanggap na lagi kang masaya or okay. It's okay to cry. It's okay to feel weak. Okay? Tawagan moko kauwi mo." Ani ng ate ni Andreas.
Para naman may namuo sa lalamunan ni Andreas. Sinubukan niyang lumunok ngunit nahihirapan siya. Gusto niyang yakapin ng mahigpit ang ate niya at umiyak ng umiyak. Pinilit nalang ni Andreas na ngumiti at tumango sa ate niya bago umalis.
Habang naglalakad si Andreas sa labas ng hospital ay para siyang naluge sa lotto. Para siyang natalo sa buhay. Parang buhat niya ang problema ng mundo. Mas lalong sumakit ang puso niya ng makitang —
"William! Dahan dahan lang. Masakit na tyan ko eh. Yung baby natin." Ani ni Angel.
Nagulat si Andreas sa nakita. Parang nanigas ang buong katawan niya. Napatigil siya sa nakita niya sa harap niya. Napatigil siya ng makita si William at Angel. Bumilis ang tibok ng puso nito at nahihirapan itong huminga. Agad itong nagiba ng daan at tumakbo papalayo.
Habang tumatakbo siya ay tuloy tuloy ang pagtulo ng luha niya. Kasabay ng pagluha niya ay ang pagbagsak ng ulan. Basang basa na ito ngunit wala siyang pakealam. Pagkapasok niya ng dorm ay agad niyang nilock ang pinto. Napaluhod ito sa sakit. Hawak hawak niya ang puso niya. Tuloy parin ang pagtulo ng luha niya. Napakagat at napahawak siya sa kanyang labi. Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili niya. Maraming tumatakbo sa isip niya.
~ End ~
"Anong ginawa mo nung nakita mo sila?" Tanong ni Romeo dito habang nagddrawing.
"Wala." Maikling sagot ni Andreas.
Sinungaling.
Ani ni Andreas sa isip niya. Pagkatapos niya makita si William at Angel ay kinuha niya ang binigay na stuffed toy na binigay ni William at sinuntok ito. Hanggang sa nasira niya ang laruan. Tinignan ni Andreas ang kamay niya habang ginagawa ang plates niya. Tinago niya ang bugbog sa kamay niya.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomanceA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."