(Love story ni Angel and William.)
16 years ago...
Habang nasa misa ang mga Perez ay naisipan lumabas ni William. Siya ay 7 years old lamang. Habang nasa labas ito ay may nakita siyang babae. Mahaba ang buhok, payat, at may hawak na sampaguita.
"Bata! Hoy! Ano yan? Bakit ang baho." Ani ni William. Tinignan lang ito nung batang babae.
"Hoy! Hindi mabaho toh! Mas mabaho ka kaya. Malapit ang bibig sa bunganga." Mataray na sambit ng batang babae.
"Ano ginagawa mo dyan?" Tanong ulit ni William.
"Nagbebenta. Kita mo naman diba?" Masungit na sambit nito.
"Sungit mo naman. Panget ng ugali mo. Halika mag misa muna tayo." Inirapan lang ito nung batang babae.
Unang beses palang nakita ni William si Angel ay nahulog na agad ang loob nito. Kaya lang naman siya masungit kay Angel dahil gusto niya ito. Gustong gusto niya rin ang amoy ng sampaguita. Gusto niya rin si Angel.
"William?" Ani ng nanay nito.
"Hoy bata! Aalis na kami." Ani ni William.
"Hon. Bigyan mo nga ng pera si William." Ani ng tatay ni William. Nalito naman si William kung bakit siya binibigyan ng pera.
"Bili ka na ng sampaguita. Iha kunin na namin lahat. Paborito kasi ni William yan." Ani ng tatay nito. Napasapo naman si William sa kanyang ulo.
"Salamat po. Sabi mo mabaho yung sampaguita? Favorite mo pala eh." Ani ni Angel sabay abot ng bulaklak kay William.
"Oo na. Salamat." Ani ni William. Nginitian lang naman ni Angel ito.
Habang nasa kotse si William ay tinitignan niya lang si Angel na naglalakad sa harap ng San Agustin Church (Lubao). Nakita niya na masayang naglalakad ito. Masaya naman talaga si Angel dahil nabenta lahat ng sampaguita niya.
Pag sunday ay laging pumupunta ang pamilya ni William sa San Agustin. Lagi din sila naglalaro ni Angel sa labas. Minsan naman kung may libre silang oras ay umaalis sila. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Hindi sila mapaghiwalay ng kahit sino.
14 years ago...
Kaarawan ngayon ni Angel. Naisipan ng mga Perez na puntahan ito para magbigay ng regalo at nang pagkain. Laging nandyan ang mga Perez para tulungan sila Angel.
"Happy birthday, panget." Pang-aasar ni William sabay abot ng regalo kay Angel.
"Salamat, panget." Ani ni Angel at masayang tinanggap ang regalo.
"Happy birthday, Iha!" Ani ng nanay ni William sabay yakap kay Angel.
"Salamat po tita." Ani ni Angel.
Lahat ng occasion nila sa buhay ay magkasama sila. Pag pasko at bagong taon ay nasa mga Perez sila. Pag naman may birthday o ibang celebration ay nakila Angel sila.
Mahal na mahal ng mga Perez si Angel. Nakikita kasi nila na madiskarte ang bata at matalino. Gusto nilang ipasok si Angel sa school ni Willam ngunit nahihiya ang mga magulang ni Angel.
Pag summer naman ay nagsstay si Angel sa bahay ng mga Perez. Minsan ay doon din siya natutulog. Masasabi talaga na isa silang masayang pamilya. Itinurin nila si Angel na parang pamilya.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomanceA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."