28

860 58 55
                                    

"Stop crying, William!" Sigaw ng tatay nito.


"William! Tangina!" Napatigil naman si William at tinignan ang tatay niya na namumula ang mukha dahil sa galit.


"Can you just shut up!" Sigaw pabalik ni William.


Napatigil namn ito sa sinabi niya. Siya mismo ay nagulat sa nasabi niya sa kanyang tatay. Sa sobrang inis ng tatay niya ay hinawak niya sa kwelyo ito at hinila patayo.


"Hayop ka! Natututo ka ng sumagot ngayon ha?" Tinignan lang ni William ito. Tila ba hinihintay niya nalang na sumuntok ang tatay niya.


"Sige dad. Suntukin moko. Saktan moko. Dahil wala ng mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon. You always want me to be on top. Bawal magkamali. You have to be perfect. But dad! Tangina! Pagod na ako. Gusto ko lang maging tao. Alam mo kung bakit gago nung unang araw na pumasok ako? Dahil sayo!" Galit na galit na sambit ni William. Madiin niyang kinagat labi niya. Hawak hawak parin ito ng tatay niya.


"Don't blame me kung bakit ganyan ka. You chose to be that. Gago. Hindi ako." Binitawan ito ng tatay niya na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.


Umalis si William sa bahay nila at pumunta ng dorm. Nakita niya si Andreas na gumagawa ng plates. Ang buhok nito ay nasa isang side lang. Napansin naman ni Andreas na may nakatingin sa likod niya. Pagkaharap niya ay nakita niya si William na magulo ang suot at buhok.


"Are— are you okay?" Concerned na sambit ni Andreas.


Hindi naman nagsalita si William. Tinignan lang niya si Andreas. Nakatingin lang din naman si Andreas dito. Tumakbo naman si William papunta kay Andread at niyakap ng mahigpit ito. Umiyak lang ng umiyak si William. Niyakap naman pabalik ni Andreas ito dahil baka kailangan ni William ng kaibigan.


"Sorry." Ani ni William at humiwalay sa pagkayakap kay Andreas.


"It's okay. Pahinga ka na. Matulog ka na dito. Ilang araw nalang aalis na din tayo dito. Time to say goodbye." Nakayukong sambit ni Andreas.


"Okay." Maikling sagot ni William at natulog na.


Pagkagising ni William ay nakita niya ang message ng nanay niya. Lumaki ang mata nito sa kanyang nabasa. Napansin din niya na wala na si Andreas. Napagisipan kasi ni Andreas na lumabas muna at kumain sa Aling Lucing sisig kasama ang mga kaibigan niya.


Text Message:

Mom: William, umuwi ka muna dito please.

William: Ayoko ma.

Mom: Please son.

Mom: I'm sorry wala akong nagawa.

William: Ayokong umalis ma.

Mom: It's for your future son. Lalo na may anak ka na ngayon.

William: Paano si Andi?

Mom: Matagal na kayong wala ni Andi. Let him go na anak.

Mom: Please?

William: Bye na ma.

Mom: Kelan kayo magiimpake?

William: Baka bukas na.

Mom: Ok son. Ingat ka.

William: Ok.


Pagkapatay ni William ng Cellphone ay pumunta ito kung saan kumakain sila Andreas. Agad niyang nakita ang mga kaibigan nila. Nagulat sila ng makita si William na umupo sa tabi ni Andreas. Napatigil sila sa pagkakain at tinignan si William.


EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞Where stories live. Discover now