Andreas' POV
"Mahal niya talaga si Angel noh?" Napatingin naman ang apat sa akin.Hindi ko alam kung bakit... bigla ko naman nasabi. Hindi rin alam ng mga kasama ko ang isasagot nila sa akin. I look like a fucking mess. Paano ba umabot sa ganito? Bakit hinayaan ko umabot dito.
"Ikaw ba? Mahal mo?" Tanong ni Paul sa akin.
Oo. Mahal ko siya. Pero napailing nalang ako at mas pinili na hindi nalang sunagot. Bakit? Para saan ba? Kung mahal ko siya may magbabago ba? Wala naman diba? Masasaktan lang ako.
"Hoy!" Tinapik naman ako ni Celine sa balikat ko.
"Kanina ka pa nakatulala." Ani naman ni Emma na tumabi sa akin.
"I'm just tired." Mahinang sagot ko.
I'm tired. Gusto ko sumigaw. Gusto ko magwala. Gusto ko nalang matulog. Gusto ko ipikit ang mga mata ko at umiyak buong gabi. I'm in pieces. I feel broken inside. Pero ngumingiti parin ako kasi ako lang naman ang nakakaintindi sa sarili ko.
"Rest, Andi." Malambing na sambit ni Lucas sa akin sabay haplos sa pisnge ko.
"Thank you." Pagpapasalamat ko dito.
"Nakita niyo ba si Angel at William? Ang cute nila." Ani nung isang estudyante.
Napatingin naman ako sa mga nagbubulungan at biglang naginit ang ulo ko. Minsan talaga gusto ko nalang manuntok. Ano ba toh? Parang gago, Andi.
"Andi? Pasok ka na." Ani ni Paul. Tumango naman ako bilang sagot.
Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay nakita ko si Romeo. Lumakad ito papalapit sa akin at may inabot na bulaklak. Tinignan ko naman ito na para bang nagtataka.
"Hey, parang malungkot ka kasi eh kaya naisipan ko na bigyan ka ng bula—"
"Thank you, Romeo." Nakangiti kong sagot dito.
"Akin na bag mo." Ani nito at kinuha ang bag ko. Binigay ko naman ito.
Habang naglalakad kami ay tinitignan kami ng mga tao. Siguro ay pinagchichismisan na kami ng mga ito. Nagtataka rin siguro sila kung bakit may dala akong bulaklak at dala ni Romeo ang bag ko.
"Nahihiya ako." Bulong ko dito. Hinawakan naman niya ang kamay ko at tinignan ko ang kamay nito.
"Huwag ka." Nakangiting sagot nito sa akin.
Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad. Nakita ko muli na nagbubulungan ang mga tao but i don't give a fuck. Minsan ko lang naramdaman toh. Minsan lang ako maging matapang.
Saktong papunta kaming classroom ay nakita naman namin si Angel at William. Malas naman. Hindi ko na sila pinansin at tumuloy na sa upuan ko.
"Mamaya nalang ha? Sunduin kita." Bulong ni William kay Angel.
"Yes, para kay tito." Sagot naman nito at umupo na sa kanyang upuan.
"Good afternoon, Andi." Nakangiting ani nito sa akin. Plastic.
"Afternoon." Maikling sambit ko dito.
Napairap naman ako at kinuha ang libro ko upang magbasa. Pilit ko man pigilan ngunit mas lalong sumasakit. Kahit kalimutan ko man siya ay hindi ko magawa.
Habang nagkaklase kami ay tumatawag ang nanay ko sa akin. Kanina ko pa ito pinapatay ngunit ayaw talaga. Pagkatapos ng 15 missed calls niya ay tumigil na ito. Minsan kasi ay kinukulit o nakikipagchika lang ito sa akin.
YOU ARE READING
EDSA (Emosyong Dinaan Sa Awit) 🎞
RomanceA Viceion Story ♡ "You can look at a picture for a week and never think of it again. You can also look at a picture for a second and think of it all your life, Andreas."