Chapter 12

620 27 0
                                    

Author's Pov

6:00 o'clock in the morning at gising na si deanna dahil pupuntahan niya ngayon yung firm na pinatayo nila titignan nya ito kung ano na status nong firm bago siya pumunta sa resto para don muna mag trabaho. Nag tungo sa kusina si deanna upang mag timpla ng kape dahil tinatamad nanaman syang mag luto kaya sa resto nalang siya kakain ng umagahan. She grab her phone sa table and she sent a message to her "iniibig" kuno.

To: My Jessica❤️
Good morning doctora have a nice day!Don't forget to eat some breakfast and i'll drop you sa hospital today see you bb hahahaha.

Ngumiti lang si deanna at naaalala nanaman niya yung nangyari nong gabing yon.

Flashback

Kakatapos lang ng online meeting ni deanna with her tita about sa annulment na gagawin nito. Napatingin naman si deanna sa wrist watch niya at nakita na 9:30 na ng gabi kaya napahilamos nalang siya ng mukha at ngayon lang niya nararamdaman ang pagod kaya agad naman niyang niligpit ang mga gamit niya nilagay sa bag tinignan nya muna ang loob ng function room if naka unplug ba lahat ng ginamit niya bago siya lumabas. Nagulat naman siya ng makita niya na andon pa sila jema na hawak ang kagigising lang na "anak" ni jema si mafe at ate joy na naka tulog na sa upoan. (AN: hindi parin alam ni deanna na pamangkin lang ni jema ang bata at hindi anak) kaya nilapitan nya ito.

"Hey anong oras na akala ko nakauwi na kayo. San si ate jovi kanina pa tapos trabaho nya ah. nakatulog na yung dalawa oh! -Deanna

Turo ni deanna kila mafe at ate joy. Tinignan naman ni deanna ang bata at nilalaro ito.

"Yon nga aalis na dapat kami pero nagka problema ata ang cashier parang na sira daw yung computer kaya tinulongan na ni ate sila sir rick. - Jema

Nagulat naman si jema ng kunin ni deanna si dj kaya tinignan niya ito ng masama.

"Ang sungit ng mommy mo baby(sabay halik sa pisnge nong bata). - Deanna

"Hoy deanna wag mo yang halikan sa pisnge kasi ang sensitive ng skin ni baby magkaka rashes yan eh!. - Jema

"Parang halik lang eh diba baby boy. Ang bango mo naman sarap mong pang gigilan!- Deanna

Tumawa naman ng malakas ang bata na pinanggigilan na deanna kaya naka tanggap ng kurot si deanna.

"Deanna!! Wag mo ng patawanin yan gabi na baka iiyak yan mamaya eh. - Jema

"A—ray naman jessica mapanakit ka po(naka pout). - Deanna

Pupuntahan na sana ni deanna sila ate jovi para sabihan na bukas nalang gagawin yung cash inventory kasi gabi na pero nasa harap na niya sila rick.

"Oh boss deans akala ko umuwi kana bat andito kapa. - Rick

"Eh sa ngayon lang natapos yung meeting ko via online. At anong oras na bat ngayon lang kayo natapos diba 9:00 o'clock closed na dapat ang store. - Deanna

"Nasira po kasi yung machine natin sa cashier area boss kaya tinulongan na namin si jenny. - Rick

"Pwede naman gawin yan bukas kasi eh. Kayo lang bang tatlo ang na iwan? Umalis na yung iba?- Deanna

Nakatingin lang si jema kay deanna at sa pamangkin na hinahaplos ang mukha ni deanna habang natatawa. Na amaze naman si jema sa nasaksihan niya kaya kinunan niya ito ng picture ng palihim.

Finally found someoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon